Listen

Description

Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. . . . At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. (1 Corinto 10:31; Colosas 3:17)

Sa pagbangon mo sa umaga at pagharap sa bagong araw, ano ang sinasabi mo sa iyong sarili tungkol sa mga inaasam mo para sa araw na iyon? Kung titingnan mo ito mula sa simula hanggang sa pagtatapos nito (ng araw), ano ang gusto mong mangyari dahil sa buhay mo (nabuhay ka)?

Kung sasabihin mong, “Ni hindi ko iniisip iyan. Tumatayo lang ako at ginagawa ang kailangan kong gawin,” tinatanggal mo ang iyong sarili mula sa isang basic na pinagkukunan ng biyaya at pinagmumulan ng patnubay at lakas at fruitfulness (pagiging mabunga) at kagalakan. Napakalinaw sa Biblia, kabilang na sa mga tekstong ito, na nais ng Diyos na malay (may kamalayan) tayong maghangad ng mahalagang bagay sa ating mga araw.

Ito ang inihayag na will (kalooban) ng Diyos para sa iyo: Kapag bumangon ka sa umaga, hindi ka dapat palutang-lutang lang (sa buong araw na walang layunin), na hahayaang kung ano-anong mga bagay lang ang magdidikta ng iyong mga gagawin. Sa halip, dapat kang maghangad ng isang bagay — mag-focus sa isang partikular na layunin. Tinutukoy ko ang mga bata rito, at mga teenager, at matatanda — single, may-asawa, balo, ina, at lahat ng trabaho at propesyon.

Ang kawalan ng layunin ay tulad ng kawalan ng buhay. Maaaring mas gumagalaw ang mga patay na dahon sa bakuran kaysa anumang bagay — higit pa sa aso, higit pa sa mga bata. Kapag umihip ang hangin parito, pupunta sila rito. Kapag umihip ang hangin paroon, doon sila pupunta. Sila’y sumisirko, tumatalbog, tumatalon-talon, dumidikit sa bakod, pero wala silang layunin. Puno sila ng paggalaw at walang buhay.

Hindi nilikha ng Diyos ang mga tao sa Kanyang larawan upang maging aimless walang layunin, gaya ng mga patay na dahon na tinatangay sa bakuran ng buhay. Nilikha Niya tayo upang magkaroon ng hangarin — magkaroon ng focus at layunin sa lahat ng ating mga araw. Ano ang layunin mo ngayon? Ano ang layunin mo para sa bagong taon? Isang magandang lugar para magsimula ay ang 1 Corinto 10:31, “Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos.”