Listen

Description

Para sa iglesya sa Tesalonica, na nasa Diyos na ating Ama at nasa Panginoong Jesu-Cristo. (2 Tesalonica 1:1)

Bilang church, “nasa” Ama at “nasa” Panginoon tayo. Ano’ng ibig sabihin nito?

Ipinapahiwatig ng salitang “Ama” ang pag-aalaga at paglingap at proteksyon at provision at disiplina. Kaya ang ibig sabihin ng “nasa” Ama ay maging nasa pangangalaga at proteksyon ng Diyos bilang ating Ama sa langit.

Ang isa pang designation ay Panginoon: Tayo ay nasa Panginoong Jesu-Cristo. Ang salitang “Panginoon” ay nagpapahiwatig ng awtoridad at pamumuno at pagmamay-ari. Kaya ang ibig sabihin ng “nasa” Panginoon ay maging nasa pamamahala, sa ilalim ng awtoridad, at pag-aari ni Jesus bilang ating pinakadakilang Panginoon.

Kaya binati ni Pablo ang Thessalonian church sa paraan na nagpapaalala sa kanila na sila’y pamilya (sa pangangalaga ng isang Ama) at mga lingkod (na pinamamahalaan ng isang Panginoon). Ang dalawang paglalarawang ito sa Diyos bilang Ama at Panginoon, at sa church bilang pamilya at mga lingkod, ay tumutugon sa dalawa sa ating deepest needs

Kailangan ng bawat isa sa atin ang pagsagip at tulong, sa isang banda, at ng layunin at kahulugan, sa kabilang banda.

1. Kailangan natin ng Ama sa langit na kakaawaan at sasagipin tayo mula sa kasalanan at paghihirap. Kailangan natin ang Kanyang tulong sa bawat hakbang, dahil napakahina natin.

2. Kailangan din natin ng panginoon sa langit na gagabay sa atin sa buhay at sasabihin kung ano ang mahusay at magbibigay sa atin ng malaki at makahulugang tungkuling dapat nating gawin, at dahilan para sa ating existence, na kapaki-pakinabang sa pagkakalikha sa atin ng Diyos. Hindi natin gustong basta lang maging ligtas sa pangangalaga ng isang Ama — kahit na mahalaga at kailangan natin ito. Gusto rin nating mamuhay nang maluwalhati.

Gusto natin ng maawaing Ama na magiging Tagapagtanggol natin, at nais nating ng omnipotent na Panginoon bilang ating kampeon at ng Kumander at Lider sa isang dakilang layunin. Kaya kapag sinabi ni Pablo sa verse 1, Kayo ang church “na nasa Diyos na ating Ama at nasa Panginoong Jesu-Cristo,” puwede tayong kumuha ng kapahingahan at tulong mula sa isa — ang Diyos Ama natin! At magkakaroon tayo ng tapang at kahulugan mula sa isa pa — si Jesus, ang ating Panginoon!