Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. (Lucas 12:32)
Ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos na hindi tayong matakot tungkol sa pera o iba pang mga bagay ng mundo ay dahil ima-magnify ng kawalan ng takot — ang kalayaan mula sa anxiety — ang limang dakilang bagay tungkol sa Kanya.
Una, ang kawalan ng takot ay nagpapakita na tinatangi natin ang Diyos bilang ating Pastol. “Huwag kayong matakot, munting kawan.” Tayo ang Kanyang flock, at Siya ang ating Pastol. At kung Siya ang ating Pastol, naa-apply sa atin ang Mga Awit 23:1: “Ang Panginoon ay aking pastol; hindi ako magkukulan” — ibig sabihin, hindi ako magkukulang sa anumang pangangailangan ko.
Pangalawa, ang kawalan ng takot ay nagpapakita na tine-treasure natin ang Diyos bilang ating Ama. “Sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.” Hindi lang tayo munting kawan Niya; mga anak din Niya tayo, at Ama natin Siya. Talagang nagmamalasakit Siya at alam Niya kung ano ang kailangan mo at ang dapat gawin para matiyak na mayroon ka ng kailangan mo.
Pangatlo, ang kawalan ng anxiety ay nagpapakita na tinatangi natin ang Diyos bilang Hari. “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.” Maibibigay Niya sa atin ang “kaharian” dahil Siya ang Hari. Nagdaragdag ito ng napakalaking bahagi ng kapangyarihan sa pagpo-provide para sa atin. Ibig sabihin ng “Pastol” ay proteksyon at probisyon. Ang “Ama” ay nagpapahayag ng pag-ibig at lambing at awtoridad at probisyon at patnubay. Ang “Hari” ay nagpapakita ng kapangyarihan at paghahari at kayamanan.
Pang-apat, ang kawalan ng takot ay nagpapakita kung gaano kalibre at generous ang Diyos. Pansinin, binibigay Niya ang kaharian. “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.” Hindi Niya ipinagbibili ang kaharian o pinapaupahan ang kaharian o pinaaarkilahan ang kaharian. Walang-katapusan ang yaman Niya at hindi Niya kailangan ang ating bayad. Kaya generous ang Diyos at libre ang Kanyang yaman. At ito ang ating mina-magnify tungkol sa Kanya kapag hindi tayo natatakot, kundi nagtitiwala sa Kanya para sa ating mga pangangailangan.
Panghuli, ang kawalan ng takot — ang hindi pagiging anxious — ay nagpapakita na nagtitiwala tayo na talagang gusto itonggawin ng Diyos. “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian.” Nalulugod Siya rito. Hindi Siya maramot. Natutuwa Siyang ibigay sa atin ang kaharian. Hindi lahat tayo ay may mga amang tulad nito, na nasisiyahan sa pagbibigay imbis na sa pagkuha. Pero ang kalungkutang ’yan ay hindi na pangunahing bagay ngayon, dahil puwede ka nang magkaroon ng ganitong Ama, at Pastol, at Hari.
Kaya nga, ang punto ng talatang ito ay dapat nating i-treasure ang Diyos bilang ating Pastol at Ama at Hari na generous at masayang binibigay sa atin ang kaharian ng Diyos — para bigyan tayo ng langit, bigyan tayo ng buhay na walang hanggan at kagalakan, at lahat ng kailangan natin para makarating doon.
Kung pahahalagahan natin ang Diyos sa ganitong paraan, magiging walang-takot tayo at ang Diyos ay masasamba natin.