Kung Bakit May Katawan Ka
Sapagkat binili na kayo sa isang halaga. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos. (1 Corinto 6:20, MBBTAG)
Hindi basta-basta lang nilikha ng Diyos ang pisikal-materyal na sansinukob. May layunin Siya, at ito’y upang dagdagan ang mga paraan kung paano ilalabas at ipapakita ang Kanyang kaluwalhatian. “Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan! Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!” (Awit 19:1).
Ang ating katawan ay pasok sa parehong kategorya ng mga pisikal na bagay na nilikha ng Diyos para sa dahilang ito. Hindi Siya aatras sa Kanyang plano na luwalhatiin ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng mga tao at katawan ng tao.
Bakit nagpapakahirap ang Diyos na dumihan ang Kanyang mga kamay para sa ating nabubulok na laman na puno ng bahid ng kasalanan, para gawin itong katawang muling mabubuhay at bihisan ito ng kaluwalhatian at kawalang-kamatayan? Sagot: Dahil binayaran ng Kanyang Anak ang presyo ng kamatayan upang matupad ang layunin ng Ama para sa materyal na sansinukob–na Siya’y luwalhatiin nito, pati sa ating mga katawan, magpakailanman.
Iyan ang sinasabi ng teksto: “Binili na kayo sa isang halaga [ang kamatayan ng Kanyang Anak]. Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.” Hindi ipagwawalang-bahala o ikahihiya ng Diyos ang ginawa ng Kanyang Anak. Igagalang ng Diyos ang gawain ng Kanyang Anak sa pamamagitan ng pagbibigay muli ng buhay sa ating mga katawan, at gagamitin natin ang ating mga ito upang luwalhatiin Siya magpakailanman.
Ito ang dahilan kung bakit may katawan ka ngayon. At ito ang dahilan kung bakit ito’y bubuhaying muli upang maging katulad ng maluwalhating katawan ni Cristo.
Devotional excerpted from Future Grace, page 373
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/why-you-have-a-body
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.