Listen

Description

Sa galak at tuwa ako ay puspusin; butong nanghihina'y muling palakasin. . . . Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat. (Mga Awit 51:8,12)

Bakit hindi umiiyak si David para sa sexual restraint? Bakit hindi niya ipinagdarasal na panagutin siya ng mga tao? Bakit hindi niya ipinagdarasal na protektahan ang kanyang mga mata at isip mula sa mga sekswal na kaisipan? Sa awit ng pagtatapat at pagsisisi, matapos niyang halayin si Bathsheba, tila aasahan ninyong hihilingin ni David ang ganito.

Ang dahilan ay alam niya na ang sexual sin ay isang sintomas, hindi ang sakit mismo.

Bumibigay ang mga tao sa sexual sin dahil wala silang ganap na kagalakan kay Cristo. Hindi matatag ang kanilang mga espiritu. Nag-aalinlangan sila. Nahihikayat sila, at bumibigay sila dahil wala ang Diyos sa nararapat Niyang lugar—ang Kanyang supreme place—sa kanilang mga damdamin at isipan.

Alam ito ni David tungkol sa kanyang sarili. Totoo rin ito para sa atin. Ipinapakita sa atin ni David, sa paraan ng kanyang pagdarasal, kung ano ang tunay na kailangan ng mga nagkasala ng sexual sin: Ang Diyos! Kagalakan sa Diyos.

Ito’y profound na karunungan para sa atin.