Gayundin naman, pinagtibay ng Diyos ang kanyang pangako sa pamamagitan ng panunumpa, upang ipakita sa kanyang mga pinangakuan na hindi mababago ang kanyang layunin.Hindi nagbabago at hindi nagsisinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. Kaya't tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya. (Hebreo 6:17–18)
Hindi inconsistent ang Diyos. Hindi Niya pinapagod ang sarili sa pagbigay ng mga pangako, panunumpa, at ang dugo ng Kanyang Anak, para lamang iangkla ang isang dulo ng ating seguridad habang hinahayaang palutang-lutang sa hangin ang kabilang dulo nito.
Ang kaligtasang nakuha ni Jesus sa pamamagitan ng Kanyang dugo ang lahat ng kailangan para iligtas ang Kanyang mga anak, hindi lamang bahagi nito.
Kaya naman, malamang maitatanong natin, Bakit ine-encourage tayo ng manunulat na panghawakan ang ating pag-asa (Hebreo 6:18)? Kung ang ating paghawak ay nakuha at tiyak na tiyak na dahil sa dugo ni Jesus — at ito nga (’yan ang kaibahan ng bago at lumang covenant) — bakit sinasabi sa atin ng Diyos na humawak tayo nang mahigpit?
Ito ang sagot:
Namatay Siya para gawin mo mismo ang ginawa ni Pablo sa Filipos 3:12: “Sinisikap kong makamtan ang gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako’y tinawag ni Cristo Jesus.” Hindi kamangmangan, kundi ebanghelyo, ang sabihin sa makasalanan na gawin ang magagawa niya sa pamamagitan lamang ni Cristo — ang umasa sa Diyos.
Kaya nga, pinapayuhan kita nang buong puso: Abutin at panghawakan mo ang bagay na iyong pinanghahawakan kay Cristo, at panghawakan ito nang buong kalakasan — na makapangyarihang ginagawa Niya para sa iyo.