Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos.
Juan 10:10
Nang sisimulan ko na ang devotional na ito, nakatanggap ako ng balitang pumanaw na si Marion Newstrum. Si Marion at ang kanyang asawa, si Elmer, ay matagal nang bahagi ng aming simbahan, mas matagal pa kaysa sa buhay ng karamihan sa aming mga miyembro ngayon. Eighty-five years old siya. Sixty-four years silang kasal.
Nang kinausap ko si Elmer at sinabi sa kanya na gusto ko siyang maging malakas sa Panginoon at huwag sumuko sa buhay, sinabi niya, “Siya’y naging tunay na kaibigan.” Dalangin ko na lahat ng Cristiano’y masasabi sa dulo ng kanilang buhay: “Si Cristo’y naging tunay na kaibigan.”
Tuwing Advent, minamarkahan ko ang anibersaryo ng kamatayan ng aking ina. Fifty-six years old siya nang namatay sa isang bus accident sa Israel. December 16, 1974 noon. Ang pangyayaring iyon ay buhay na buhay pa rin sa akin hanggang ngayon. Kung hahayaan ko ang aking sarili, madali akong maiiyak — halimbawa, kung iisipin kong hindi siya nakilala ng aking mga anak. Inilibing namin siya nang araw matapos ang Pasko. Natatangi ang Paskong iyon!
Marami sa inyo ay mas mararamdaman ang inyong kawalan ngayong Pasko. Huwag ninyo itong harangan. Damahin ninyo ito. Ano ba ang pag-ibig, kung hindi ang pagpapatindi ng ating pagmamahal — sa buhay at kamatayan? Pero huwag maging bitter. Nakakasira ng sarili ang pagpapasakop sa kapaitan.
Dumating si Jesus nang Pasko upang magkaroon tayo ng buhay na walang-hanggan. “Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos” (Juan 10:10). Pinag-usapan nina Elmer at Marion kung saan sila mananatili sa mga huling taon ng kanilang buhay. Sabi ni Elmer, “Nagkasundo kami ni Marion na ang aming huling hantungan ay sa piling ng Panginoon.”
Nakakaramdam ka ba ng pagkaligalig para sa iyong tahanan? May mga kapamilya akong darating para sa holidays. Masaya ito. Sa tingin ko, maganda ito sa pakiramdam dahil sila at ako ay nakatadhana para sa isang huling homecoming. Lahat ng ibang homecoming ay patikim lamang. At masarap ang mga patikim.
Maliban na lang kung sila’y maging kapalit. Huwag mong hayaan na ang matatamis na bunga ngayon ay pumalit sa panghuli at maganda at sobrang nakalulugod na tamis. Hayaan mong ang bawat kawalan at pananabik ay dalhin ang iyong puso sa langit.
Pasko. Ano ba ito kundi ito: Dumating ako upang sila’y magkabuhay? Si Marion Newstrum, si Ruth Piper, pati ikaw at ako — upang magkaroon tayo ng buhay, ngayon at kailanman.
Payamanin at palalimin ang iyong Pasko ngayon sa pamamagitan ng pag-inom sa bukal ng magpakailanman. Napakalapit lang nito.