“Sa simula pa’y itinakda ko na, at aking inihayag kung ano ang magaganap. Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin.” (Isaiah 46:10)
Ang salitang “sovereignty” (tulad ng salitang “Trinity”) ay hindi matatagpuan sa Biblia. Ginagamit natin ito upang tukuyin ang katotohanang ito: Ang Diyos ay ang tunay na may kontrol ng mundo, mula sa pinakamalaking international na nakakapukaw-pansing bagay hanggang sa pinakamaliit na ibon na namatay sa kagubatan.
Ganito ang sabi ng Biblia: “Ako lamang ang Diyos, at maliban sa akin ay wala nang iba. . . . Sinabi kong tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin” (Isaias 46:9–10). At: “Ginagawa [ng Diyos] ang ayon sa kanyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga nananahan sa lupa. Walang makakahadlang sa kanyang kamay, o makapagsasabi sa kanya, ‘Anong ginagawa mo?’” (Daniel 4:35, ABTAG2001). At: “Hindi siya nagbabago at di kayang salungatin, walang makakapigil sa nais niyang gawin.Isasakatuparan niya ang plano niya sa akin, ang marami niyang balak ay kanyang gagawin” (Job 23:13–14). At: “Ang Diyos nami'y nasa langit, naroroon ang Diyos namin, at ang kanyang ginagawa ay kung ano ang ibigin” (Mga Awit 115:3).
Isang dahilan kaya napakahalaga ng doktrinang ito sa believers ay dahil alam natin na ang dakilang hangarin ng Diyos ay magpakita ng awa (mercy) at kabutihan sa mga nagtitiwala sa Kanya (Efeso 2:7; Mga Awit 37:3–7; Mga Kawikaan 29:25). Ang ibig sabihin ng sovereignty ng Diyos ay ito: Hindi mabibigo ang plano Niya para sa atin. Hindi ito mabibigo.
Wala, talagang wala, na sasapitin ang mga “nagmamahal sa Diyos” at “tinawag ayon sa Kanyang layunin” kundi kung ano ang para sa pinakamasidhi, pinakadakila, at pinakamagtatagal na kabutihan sa natin (Mga Taga Roma 8:28; Mga Awit 84:11).
Kaya nga gusto kong sabihin na ang awa at ang sovereignty ng Diyos ay ang kambal na haligi ng aking buhay. Sila ang pag-asa ng aking hinaharap, ang lakas ng aking paglilingkod, ang sentro ng aking teolohiya, ang bigkis naming mag-asawa, ang pinakamagandang gamot sa lahat ng aking karamdaman, ang lunas sa lahat ng aking discouragements.
At kapag ako ay mamatay (sooner or later man), ang dalawang katotohanang ito ay tatabi sa aking higaan, at sa walang hanggang kalakasan at pagmamahal ay itataas ako sa Diyos.