Listen

Description

Ang Diyos ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus, na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan.Nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen. (Hebreo 13:20-21)

Pinagtibay ni Cristo ang walang hanggang tipan sa pamamagitan ng dugo Niyang dumanak. Sa matagumpay na pagtubos na ito, natamo Niya ang pagpapala ng Kanyang pagkabuhay muli mula sa mga patay. Mas malinaw ito sa Griyego kaysa sa Ingles, at sapat na ang linaw nito rito: “Ang Diyos . . . ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus . . . dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan.” Ang Jesus na ito — na binuhay ng dugo ng tipan — ay ating buhay na Panginoon at Pastol ngayon.

At dahil sa lahat ng ’yan, may dalawang bagay na ginagawa ang Diyos:

  1. Ginagawa Niya tayong ganap sa bawat mabuting bagay para magawa natin ang Kanyang kalooban, at
  2. Ginagawa Niya sa atin ang kalugod-lugod sa paningin Niya.

Ang “walang hanggang tipan,” na tinitiyak ng dugo ni Cristo, ay ang new covenant. At ito ang pangako ng new covenant: “Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko ito sa kanilang mga puso” (Jeremiah 31:33). Kung gayon, hindi lang sinisigurado ng tipan na ito na gagawin tayong ganap ng Diyos para magawa ang Kanyang kalooban. Tinitiyak din nito na kumikilos sa atin ang Diyos para gawing matagumpay ang ating pagiging ganap.

Ang kalooban ng Diyos ay hindi lang nakasulat sa bato o papel bilang paraan ng biyaya. Kumikilos Siya para ilagay ito sa atin. At ito ang epekto nito: Nakakaramdam, nag-iisip, at kumikilos tayo sa paraang mas nakalulugod sa Diyos.

Inuutusan pa rin tayong gamitin ang kagamitang ibinibigay Niya: “Pagsumikapan ninyong maging ganap ang inyong kaligtasan nang may lubusang paggalang at pag-ibig sa Diyos.” Ngunit ang mas mahalaga’y sinabihan tayo kung bakit: “Sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban” (Filipos 2:12–13).

Kung kaya nating pasayahin ang Diyos — kung gagawin natin ang Kanyang kalooban — ito’y dahil ang biyaya ng Diyos, na binayaran ng Kanyang dugo, ay dumaloy mula sa pagiging ganap patungo sa makapangyarihang pagbabago.

Devotional excerpted from “God Gives the Equipment and Makes It Successful”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/outfitted-and-empowered

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.