Listen

Description

“Ipinahayag ko na sa kanila kung sino ka, at patuloy ko itong ipapahayag, upang ang pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa kanila.” (Juan 17:26)

Iyan ang ipinagdasal ni Jesus nang gabi bago Siya mamatay. Ipalagay na puwede mong ma-enjoy ang pinaka-enjoyable nang may di-nauubos na lakas at passion. Hindi na ito ang ating karanasan ngayon. Tatlong bagay ang nakaharang sa ating lubos na kasiyahan sa mundong ito.

Una, walang anumang bagay sa nilikhang mundong ito ang may sapat na personal worth upang matugunan ang pinakamatinding inaasam ng ating mga puso.

Ang isa pa ay kulang tayo ng lakas upang namnamin ang mga pinakamagandang kayamanan to their maximum worth.

At ang ikatlong balakid na nakaharang sa ating lubos na kasiyahan ay ito: Natatapos ang ating mga kagalakan dito sa mundo. Walang tumatagal. Ngunit kung ang layunin at panalangin ni Jesus sa Juan 17:26  ay totoo, lahat ng ito ay magbabago. Ipinagdasal Niya, “na pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa kanila.” Ang walang hanggan pagmamahal ng Diyos sa kanyang Anak ay nasa atin!

Kung ang kasiyahan ng Diyos sa Anak ay magiging kasiyahan natin sa Anak, ang layunin ng ating kasiyahan, si Jesus, ay di-mauubusan ng halaga sa sarili. Hindi Siya kailanman magiging boring o disappointing o frustrating.

Wala nang hihigit pang kayamanan kaysa sa Anak ng Diyos.

Bukod pa rito, ang kakayahan nating namnamin ang di-mauubos na kayamanang ito ay hindi limitado ng kahinaan ng tao. Ma-e-enjoy natin ang Anak ng Diyos nang may buong kasiyahan ng kanyang Ama. Iyan ang ipinagdasal ni Jesus!

Ang kaluguran ng Diyos sa Kanyang Anak ay mapapasaatin at magiging atin — ang ating kagalakan sa Anak. At ito ay hindi kailanman magwawakas, dahil hindi nagwawakas ang Ama o ang Anak kailanman.

Ang pagmamahal Nila sa isa’t isa ay ang ating magiging pagmamahal sa kanila at samakatuwid, ang ating pagmamahal sa kanila ay hindi mamamatay ni mababawasan kailanman.