Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Dios. (Hebreo 11:17, ASND)
Para sa marami sa inyo ngayon — at para sa ibang darating na ang panahon — ang pagsunod ay parang katapusan ng isang panaginip. Pakiramdam ninyo, kung gagawin ninyo ang sinasabi ng Salita ng Diyos o ng Espiritu ng Diyos na gawin ninyo, gagawin kayo miserable nito, at walang paraan na magagawa itong mabuti ng Diyos.
Siguro ang utos o tawag ng Diyos na naririnig mo ngayon ay manatiling may asawa o wala, manatili sa iyong trabaho o umalis na, magpabawtismo, magsalita sa trabaho tungkol kay Cristo, tumangging i-kompromiso ang iyong pamantayan ng katapatan, harapin ang isang taong nasa kasalanan, makipagsapalaran sa bagong bokasyon, maging misyonero. At sa nakikita ng iyong limitadong pag-iisip, terible ang posibilidad ng paggawa nito — para itong pagkawala ni Isaac, ang tanging anak na puwedeng maging tagapagmana mo.
Isinaalang-alang mo ang bawat anggulo ayon sa batayan ng tao, at imposibleng maging mabuti ang resulta nito.
Ngayon alam mo na kung ano ang naramdaman ni Abraham. Nasa Biblia ang kuwentong ito para sa iyo.
Hangad mo ba ang Diyos at ang Kanyang daan at mga pangako nang higit pa sa anumang bagay, at naniniwala ka ba na kaya at igagalang Niya ang iyong pananampalataya at pagsunod, na hindi Siya mahihiyang tawaging Diyos mo, at gagamitin Niya ang lahat ng Kanyang karunungan at kapangyarihan at pagmamahal para gawing daan ng buhay at kagalakan ang daan ng pagsunod?
Iyan ang krisis na kinakaharap mo ngayon: Hinahangad mo ba Siya? Magtitiwala ka ba sa Kanya? Ito ang salita ng Diyos sa iyo: Karapat-dapat ang Diyos at kaya Niyang gawin ang lahat.
Devotional excerpted from “The Hope of Exiles on the Earth”
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/when-obedience-feels-impossible
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.