Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga tagasunod kayo ni Cristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios. (1 Pedro 4:14, ASND)
Maraming Cristiano sa mundo ngayon ang hindi alam ang life-threatening na panganib na dulot ng paniniwala kay Cristo. Nasanay na tayong maging malaya sa ganitong pag-uusig. Parang ganito na talaga dapat ang takbo ng buhay natin.
Kaya madalas na galit ang una nating reaksyon sa panganib na baka mag-iba ang kasalukuyan nating sitwasyon. Pero puwedeng tanda ang galit na iyon na nawala na ang ating kamalayan ng pagiging dayuhan at exile (“Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang naninirahan lamang sa daigdig na ito . . .” 1 Pedro 2:11, MBBTAG).
Siguro’y masyado na tayong nasanay mamalagi sa mundong ito. Hindi natin nararamdaman ang pagka-homesick kay Cristo tulad ni Paul: “Ngunit para sa atin, ang langit ang tunay nating bayan. At mula roon, hinihintay natin nang may pananabik ang pagbabalik ng Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo” (Filipos 3:20).
Marami sa atin ang kailangan ng paalala, “Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong dinaranas na para bang ito’y di pangkaraniwan” (1Pedro 4:12). Hindi ito kakaiba.
Naisip mo na ba kung ano ang gagawin mo sa oras ng huling pagsubok? Nakatutok ang baril ng kaaway at tinatanong ka niya, “Cristiano ka ba?” Narito ang isang makapangyarihang salita para bigyan ka ng pag-asang puwedeng mas mahusay ang gagawin mo kaysa iyong iniisip.
Sinasabi ni Peter, “Kaya kung iniinsulto kayo dahil mga tagasunod kayo ni Cristo, mapalad kayo dahil nasa inyo ang makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios” (1 Pedro 4:14). Sinasabi ng encouragement na ito mula kay Peter na sa oras ng di-pangkaraniwang panganib (insulto man o kamatayan), meron tayong “makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios” sa atin. Hindi ba’t ibig sabihin nito na nagbibigay ang Diyos ng espesyal na tulong sa oras ng krisis para sa mga nagdurusa dahil sila’y Cristiano?
Hindi ko ibig sabihin na absent Siya sa iba pa nating pagdurusa. Ang ibig ko lang sabihin, sinadyang sabihin ni Peter na makakaranas ang mga nagdurusang “tagasunod ni Cristo” ng espesyal na “kapalaran” dahil sa “makapangyarihang Espiritu, ang Espiritu ng Dios.”
Ipanalangin mo na ito ang iyong maranasan pagdating ng pagsubok. Magkakaroon tayo ng resources para mapagtiisan ang sandaling iyon na hindi natin makukuha sa ibang pagkakataon. Lakasan mo ang loob mo.