Listen

Description

Kaya’t huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. (Mga Hebreo 10:35, MBBTAG)

Kailangan nating pagnilay-nilayan ang pananaig ng Diyos bilang dakilang gantimpala natin sa lahat ng kayang ibigay ng mundo. Kung hindi, iibigin natin ang mundo tulad ng iba at mabubuhay tayo tulad ng iba.

Kaya tingnan mo ang mga bagay na nagpapatakbo sa mundo, at pagbulay-bulayan kung paano mas mabuti at mas magtatagal ang Diyos. Pag-isipan ang kaugnayan ng pera o sex o kapangyarihan sa kamatayan. Kukunin ng kamatayan ang bawat isa sa kanila. Kung ito ang ikinabubuhay mo, wala ka masyadong makukuha, at kung anuman ang makukuha mo, mawawala rin sa iyo.

Pero ang kayamanan ng Diyos ay mas nakalalamang, at ito ay nagtatagal. Malalampasan nito ang kamatayan. Mas mainam ito sa pera dahil ang Diyos ang may-ari ng lahat ng pera at Siya ang ating Ama. Tayo ang kanyang mga tagapagmana. “Lahat ng ito’y para sa inyo. At kayo’y para kay Cristo, at si Cristo nama’y para sa Diyos” (1 Corinto 3:22–23).

Mas mainam ito sa sex. Hindi kailanman nagkaroon ng sexual relations si Jesus, at Siya ang pinakaganap at kumpletong tao sa lahat. Ang sex ay isang anino — isang larawan — ng mas malaking katotohanan, ng isang relasyon at kasiyahan na gagawing kaantok-antok ang pinakamagandang sex.

Ang gantimpala ng Diyos ay mas mabuti kaysa sa kapangyarihan. Walang mas dakilang kapangyarihan ang tao kaysa maging anak ng makapangyarihang Diyos. “Hindi ba ninyo alam na hahatulan natin ang mga anghel?” (1 Corinto 6:3). “Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama sa kanyang trono” (Pahayag 3:21).

At tuloy-tuloy lang ito. Sa lahat ng mabibigay ng mundo, mas mabuti at mas magtatagal pa rin ang Diyos.

Walang maihahambing pa rito. Palaging nagwawagi ang Diyos. Ang tanong: Mapapasaatin ba Siya? Magigising ba tayo mula sa pagkatuliro dahil sa mundong ito, at makikita at maniniwala at magagalak at mamahalin ang talagang tunay, at walang hanggan na mahalaga, at walang katapusan?

Devotional excerpted from “The Present Power of a Future Possession”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/better-than-money-sex-and-power

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.