Listen

Description

Ayon sa Hebreo 8:6, Si Cristo ang tagapamagitan ng new covenant. Ano ang kahulugan nito? Ibig sabihin, nabayaran na’t sinigurado ng Kanyang dugo — ang dugo ng covenant (Lucas 22:20; Hebreo 13:20) — ang pagpapatupad ng mga pangako ng Diyos para sa atin.

Ibig sabihin, ayon sa mga pangako ng new covenant, pinapatupad ng Diyos ang pagbabago ng ating sarili sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo.

At ibig sabihin, kumikilos ang Diyos para sa pagbabagong ito sa pamamagitan ng pananampalataya — pananampalataya kung sino ang Diyos para sa atin kay Cristo.

Ang new covenant ay tinubos ng dugo ni Cristo, ginawang mabisa para sa atin ng Espiritu ng Diyos, at nilalaan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.

Sa Hebreo 13:20–21, pinakamagandang makikita ang pagkilos ni Cristo bilang tagapamagitaan ng new covenant:

Ang Diyos ng kapayapaan ang siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus, na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo na nagpatibay sa walang hanggang tipan. Nawa’y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen.

Ang mga salitang “gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya” ay naglalarawan ng nangyayari kapag sinusulat ng Diyos ang kautusan sa ating mga puso batay sa new covenant. At ang mga salitang “sa pamamagitan ni Jesu-Cristo” ay naglalarawan kay Jesus bilang tagapamagitan ng maluwalhating pagkilos ng sovereign grace sa atin.

Kung gayon, ang kahulugan ng Pasko ay hindi lamang ang pagpapalit ng Diyos ng mga anino sa realidad. Ito rin ay kung paano Niya kinukuha ang realidad na ito at ginagawa itong totoo para sa Kanyang mga anak. Sinusulat Niya ito sa ating mga puso. Hindi Niya basta na lang inilagay ang Kanyang aguinaldo ng kaligtasan at pagbabago sa ilalim ng Christmas tree para lamang damputin mo ito sa pamamagitan ng iyong sariling kalakasan. Kinukuha Niya ito at nilalagay sa iyong puso at sa iyong isip at binibigyan ka Niya ng selyo ng kasiguraduhan na ikaw ay anak ng Diyos.