“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw.Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. (Mateo 6:19–20)
Ito ang mensaheng kailangang isigaw mula sa mga bahay ng high finance: Sekular na tao, hindi ka pa ganoong ka-hedonistic!
Huwang kang masiyahan sa kakarampot na 2% na ani ng kaligayahang kinakain ng naninirang insekto ng inflation at ng kalawang ng kamatayan. Mamuhunan sa blue-chip, high-yield, banal at siguradong kayamanan ng langit.
Ang paglalaan ng buhay sa mga materyal na kaginhawaan at seguridad at katuwaan ay parang paghahagis ng pera pababa ng isang rat hole. Ngunit ang pamumuhunan ng buhay sa gawain ng pag-ibig ay nagbubunga ng kagalakang di malalagpasan at walang katapusan:
“Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! [At sa gayon ay] gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag-ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nauubos” (Lucas 12:33).
Ang mensaheng ito ay napakagandang balita: Lumapit kay Cristo, na ang presensya ay puno ng kagalakan at kasiyahan magpakailanman. Makiisa sa atin sa gawain ng Cristianong Hedonism. Sapagkat sinabi ng Panginoon: Mas pinagpala ang magmahal kaysa mamuhay sa karangyaan! Mas pinagpapala ngayon, at magpakailanman.