Listen

Description

Mangyayari ito sa Araw ng kanyang pagparito upang tumanggap ng papuri mula sa kanyang mga hinirang at ng parangal ng lahat ng sumasampalataya sa kanya. Kabilang kayo roon sapagkat sinampalatayanan ninyo ang patotoong ipinahayag namin sa inyo. (2 Tesalonica 1:10)

Sinasabi ni Pablo na paparito si Cristo upang maluwalhati at kamanghaan. Ito ang dahilan ng Kanyang pagbabalik.

Natitisod ang mga tao dahil sa katuruan na dinadakila ng Diyos ang Kanyang sarili at hinahangad Niyang purihin Siya ng Kanyang mga anak, dahil itinuturo sa atin ng Biblia na huwag maging ganito. Halimbawa, sinasabi sa Biblia na ang pag-ibig ay hindi “ipinipilit ang sariling kagustuhan” (1 Corinto 13:5, ABTAG2001).

Paano magiging mapagmahal ang Diyos ngunit devoted sa “pagpilit sa Kanyang sariling” kaluwalhatian at papuri at kagalakan? Paano magiging para sa atin ang Diyos kung Siya ay lubos para sa Kanyang sarili?

Ito ang sagot na iminumungkahi ko: Dahil ang Diyos ay unique bilang isang all-glorious at self-sufficient na Nilalang, dapat Siyang maging para sa Kanyang sarili kung Siya ay magiging para sa atin. Ang rules ng pagpapakumbaba na para sa isang nilalang ay hindi maaaring ma-apply sa parehong paraan sa Lumikha nito.

Kung tatalikuran ng Diyos ang Kanyang sarili bilang Pinagmumulan ng walang-hanggang kagalakan, titigil siya sa pagiging Diyos. Itatatwa Niya ang walang-hanggang kahalagahan ng Kanyang sariling kaluwalhatian. Ipahihiwatig Niya na may isang bagay na mas mahalaga bukod sa Kanyang sarili. Magkakasala Siya sa pagsamba sa mga diyus-diyusan.

Wala tayong makukuha sa ganito. Sapagkat saan tayo pupunta kapag naging di-matuwid ang ating Diyos? Saan tayo makakahanap ng Bato ng integridad sa sansinukob kapag tumigil na ang puso ng Diyos sa pagpapahalaga sa  pinakamahalaga? Saan tayo babaling sa ating pagsamba kapag tinalikuran na mismo ng Diyos ang pag-angkin ng walang-hanggang kahalagahan at kagandahan?

Hindi, hindi natin ginagawang pag-ibig ang sariling pagdadakila ng Diyos sa pamamagitan ng pag-demand na ang Diyos ay tumigil sa pagiging Diyos.

Sa halip, dapat nating makita na ang Diyos ay pag-ibig dahil walang humpay Niyang hinahanap ang mga papuri ng Kanyang pangalan mula sa puso ng Kanyang mga anak. Ang papuri natin sa Kanyang kadakilaan ang capstone ng ating kagalakan at kadakilaan.