Day 1
Sa pamamagitan niya’y maraming Israelita ang magbabalik-loob sa kanilang Panginoong Diyos.Mauuna siya sa Panginoon na taglay ang espiritu at kapangyarihan ni Elias upang pagkasunduin ang mga ama at ang kanilang mga anak, at panumbalikin ang mga suwail sa karunungan ng mga matuwid. Sa gayon, ipaghahanda niya ng isang bayan ang Panginoon.
Lucas 1:16–17
Ang ginawa ni John the Baptist para sa Israel, kayang gawin ng Advent para sa atin. Huwag mong hayaang datnan ka ng Pasko na hindi handa. Ibig kong sabihin ay hindi handa spiritually. Mas magiging maganda ang ligaya at epekto nito kung ikaw ay handa!
Para maging handa ka . . .
Pagbulay-bulayan ang katotohanang kailangan natin ng Tagapagligtas.
Ang Pasko ay isang pagdedemanda laban sa iyo bago ito maging kagalakan. “Isinilang sa inyo ngayon sa bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon” (Lucas 2:11). Kung hindi mo kailangan ng Tagapagligtas, hindi mo kailangan ng Pasko. Hindi magkakaroon ng nilalayong epekto ang Pasko hanggang hindi natin lubos na mararamdaman ang pangangailangan ng Tagapagligtas. Hayaan mong tulungan ka ng maiiksing Advent meditations na ito na gisingin ang mapait na pakiramdam ng pangangailangan ng Tagapagligtas.
Ikalawa, simulan ang malalim na pagkilatis sa iyong sarili. Ang Advent ay para sa Pasko, tulad ng Lent ay para sa Easter. “O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, / subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; / kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, / sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid” (Mga Awit 139:23–24). Let every heart prepare Him room . . . sa pamamagitan ng paglilinis.
Ikatlo, bumuo ng pag-asa at pananabik na nakasentro sa Diyosat excitement sa iyong tahanan — lalo na para sa mga bata. Kung excited ka para kay Cristo, magiging excited din sila. Kung gagawin mong exciting ang Pasko dahil lamang sa mga materyal na bagay, paano magkakaroon ng pagkauhaw ang mga bata para sa Diyos? Gamitin ang iyong imahinasyon upang maipakita ang hiwaga ng pagdating ng Hari sa mga bata.
Ikaapat, magbabad sa Kasulatan at mag-memorize ng magagandang talata! “Parang apoy ang aking salita at katulad ng martilyo na dumudurog sa malaking bato” (Jeremias 23:29). Magtipon-tipon sa paligid ng apoy na ito ngayong Advent. Ito’y mainit-init. Ito ay nagniningning sa mga kulay ng biyaya. Ito ay paghihilom sa libo-libong sakit. Ito ay ilaw para sa madidilim na gabi.