Listen

Description

Subalit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ako ay ako, at ang kanyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan. Sa halip, ako'y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat, bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin. (1 Corinto 15:10, ABTAG2001)  Na-realize ni Paul na baka hindi maintindihan ang unang bahagi ng talatang ito: “Ako’y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat.” Kaya sinabi pa niya, “Bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na nasa akin.”   Hindi kinukunekta ni Paul ang kanyang pagsunod sa kanyang pasasalamat para sa past grace. Ikinakabit niya ito sa grace ng bawat sandali na laging dumadating. Tumataya siya sa pagdating ng pangakong future grace ng Diyos sa bawat sandali ng pangangailangan. Sa bawat intensyon at pagsisikap ni Paul na sumunod kay Cristo, kumikilos ang biyaya para makabuo ng intensyon at effort na iyon. Hindi naglilingkod si Paul dahil lang sa pasasalamat para sa past grace, kundi sa bawat sandaling pag-asa sa pagdating ng ipinangakong biyaya. Gustong bigyang-diin ni Paul na ang laging pagdating ng biyaya ng Diyos ang tiyak na dahilan ng kanyang paglilingkod.  Talaga bang sinasabi ’yan? Hindi ba’t sinasabi lang na ang biyaya ng Diyos ay kumikilos kay Paul? Hindi, higit pa rito ang sinasabi nito. Kailangan nating maintindihan ang mga salitang, “Bagaman hindi ako.” Gusto ni Pablo na itaas ang biyaya ng bawat sandali ng Diyos sa paraang malinaw na hindi siya ang nagpapasyang gumawa ng gawaing ito.  Gayunman, isa siyang tagapaglingkod ng gawaing ito: “Ako’y naglingkod nang higit kaysa kanilang lahat.” Naglilingkod siya. Pero sinabi niya na ito’y biyaya ng Diyos “na ibinigay sa akin.”  Kung hahayaan natin tumindig ang lahat ng bahagi ng talatang ito, ito ang bunga: grace ang tiyak na manggagawa sa gawain ni Paul. Yamang si Paul ay isa ring tagapagtupad ng kanyang gawain, ang paraan na nagiging tiyak na tagapaglingkod ang biyaya ay sa pamamagitan ng enabling power ng paglilingkod ni Paul.   Sa tingin ko, ito ang ibig sabihin nito: Sa pagharap ni Paul sa pasanin ng ministeryo bawat araw, yumuyuko siya at ipinagtatapat na, maliban kung bibigyan siya ng future grace para sa gawain sa araw na iyon, hindi niya ito magagawa.   Siguro’y naalala niya ang mga salita ni Jesus, “Sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin” (Juan 15:5). Kaya ipinagdasal niya ang future grace para sa maghapon, at nagtiwala siya sa pangako na darating ito nang may kapangyarihan. “At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus” (Mga Taga Filipos 4:19).  Pagkatapos nito… naglingkod siya nang buong lakas.