Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Diyos; sapagkat siya'y muling pupurihin ko, ang tulong sa aking harapan, at Diyos ko. (Psalm 42:11, ABTAG2001)
Dapat natin matutunang labanan ang kawalan ng pag-asa — ang pagkakaroon ng malungkot na espiritu. Ang labanan ay labanan ng pananampalataya sa future grace. Nilalabanan ito by preaching truth sa ating sarili, tungkol sa Diyos at sa Kanyang ipinangakong kinabukasan.
Ito ang ginagawa ng psalmist sa Awit 42. Pinapangaralan ng psalmist ang kanyang problemadong kaluluwa. Pinapagalitan at nakikipagtalo siya sa kanyang sarili. At ang kanyang pangunahing argumento ay future grace: “Ang pag-asa ay nasa Diyos! Magtiwala sa gagawin sa ’yo ng Diyos sa hinaharap. Darating ang araw ng pagpupuri. Ang presensya ng Panginoon ang tanging magiging tulong na kailangan mo. At nangako Siyang makakasama natin Siya magpakailanman."
Naniniwala si Martyn Lloyd-Jones na ang isyung ito ng pangangaral ng katotohanan sa ating sarili tungkol sa future grace ng Diyos ay mahalaga upang madaig ang spiritual na kalungkutan. Isinulat niya sa kanyang helpful na aklat, Spiritual Depression:
Na-realize mo ba na karamihan sa iyong kalungkutan sa buhay ay dahil nakikinig ka sa iyong sarili imbis na kausapin mo ang sarili mo? Tingnan ang mga iniisip mo paggising sa umaga. Hindi mo alam saan sila nanggaling, pero sinisimulan nilang kausapin ka, at binabalik nila ang mga problema ng kahapon, etc. May isang taong nagsasalita. . . . Kinakausap ka ng sarili mo. Ngayon, ito ang lunas ng taong ito [sa Awit 42]: Imbis na hayaang kausapin siya ng kanyang sarili, sinisimulan niyang kausapin ang kanyang sarili. “Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko?” tanong niya. Pinalulungkot siya ng kanyang kaluluwa, dinudurog siya nito. Kaya tumatayo siya at sinasabing, “Makinig ka sandali, aking sarili. Kakausapin kita.” (20–21)
Ang laban sa kawalan ng pag-asa ay isang labanan para maniwala sa mga pangako ng Diyos. At ang paniniwalang iyan sa future grace ng Diyos ay dumarating sa pakikinig sa Salita. Kaya nga ang pangangaral natin ng Salita ng Diyos sa sarili natin ay nasa puso ng labanan.