Binigyan ng puting kasuotan ang bawat isa sa kanila, at sinabi sa kanilang magpahinga nang kaunti pang panahon, hanggang sa mabuo ang bilang ng kanilang mga kapatid at kapwa mga lingkod, na papatayin ding tulad nila. (Revelation 6:11)
Sa loob ng halos tatlong daang taon, lumago ang Kristiyanismo sa lupang basa ng dugo ng mga inuusig.
Hanggang kay Emperor Trajan (around AD 98), pinapayagan pero hindi legal ang persecution. Mula kay Trajan hanggang kay Decius (around AD 250), naging legal ang persecution. Mula kay Decius, na kinamumuhian ang mga Kristiyano at kinatatakutan ang kanilang epekto sa kanyang mga reporma, hanggang sa unang edict of toleration (o utos ng pagpaparaya) noong 311, hindi lang legal ang persecution kundi laganap din.
Inilarawan ng isang manunulat ang sitwasyon sa ikatlong period na ito:
Kumalat ang takot sa lahat ng dako ng mga kongregasyon; at napakalaki ng bilang ng mga lapsi [o mga taong tumalikod sa kanilang pananampalataya nang pinagbantaan]. Gayunman, walang kakulangan ng mga nanatiling matatag, at nagpakamartir kesa bumigay; at, sa pagkalat at pagtindi ng persecution, lalong naging masigasig ang mga Kristiyano at lumakas nang lumakas ang kanilang kapangyarihan ng paglaban.
Kaya, sa loob ng tatlong daang taon, ang pagiging Kristiyano ay paglalagay sa panganib ng iyong buhay at mga pag-aari at pamilya. Ito’y pagsubok sa kung ano ang mas mahal mo. At ang sukdulan ng pagsubok na iyon ay ang pagiging martir.
At sa itaas na pagiging martir na iyon ay isang soberanong Diyos na nagsabing may itinalagang bilang ng mga martir. May espesyal na papel silang gagampanan sa pagtatanim at pagbibigay ng kapangyarihan ng simbahan. May espesyal na papel silang gagampanan sa pagsasara ng bibig ni Satanas, na palaging sinasabing ang mga anak ng Diyos ay naglilingkod lang sa Kanya dahil mas bumubuti ang buhay nila. Iyan ang punto ng Job 1:9–11.
Hindi aksidente ang pagiging martir.
Hindi nagulat ang Diyos dito. Hindi ito di-inaasahan. At hindi ito isang strategic na pagkatalo para sa layunin ni Cristo.
Maaaring mukha itong pagkatalo. Pero bahagi ito ng plano ng langit na walang human strategist ang puwedeng makaisip o makapagdisenyo. At ang planong ito ay magtatagumpay para sa lahat ng nagtitiis hanggang wakas sa pamamagitan ng pananampalataya sa all-sufficient grace ng Diyos.