Listen

Description

Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo. (Efeso 4:32)

Ang pananampalatayang nagliligtas, o saving faith, ay hindi lang paniniwala na pinatawad ka. Tumitingin ang saving faith sa nakakakilabot na mukha ng kasalanan, at pagkatapos ay tumitingin sa kabanalan ng Diyos, at nauunawaan nito spiritually na ang pagpapatawad ng Diyos ay walang sukat na kaluwalhatian at kagandahan. Hindi lang natin ito tinatanggap; hinahangaan natin ito. Satisfied tayo sa bago nating pakikipagkaibigan sa dakila’t mapagpatawad na Diyos.

Hindi ibig sabihin ng faith sa kapatawaran ng Diyos ay kumbinsido na akong hindi ako mapaparusahan. Ibig sabihin nito’y paglasap sa katotohanang ang mapagpatawad na Diyos ang pinakamahalagang katotohanan sa sansinukob. Minamahal ng saving grace ang kapatawaran ng Diyos, at mula roon nagmumula ang pagmamahal sa Diyos na nagpapatawad — at lahat ng kung sino Siya para sa atin kay Jesus. Malaki ang epekto ng karanasang ito sa pagiging mapagpatawad nating tao.

Nakaraan na ang dakilang akto ng pagbili ng kapatawaran natin — ang Krus ni Cristo. Sa pagbabalik-tanaw nito, nalalaman natin ang biyayang ating pinaninindigan (Roma 5:2). Nalalaman natin na tayo ngayon, at sa tuwina, ay mamahalin at tatanggapin. Nalalaman natin na ang buhay na Diyos ay isang mapagpatawad na Diyos.

Pero magpapatuloy ang dakilang pagkilos ng pagdanas ng kapatawaran magpakailanman sa hinaharap. Tumatagal magpakailanman ang ating maligayang pakikipag-isa sa dakilang Diyos na mapagpatawad. Kung ganun, ang kalayaan para sa kapatawaran, na dumadaloy mula sa all-satisfying fellowship sa mapagpatawad na Diyos, ay tumatagal hangga’t naririto tayo.

Natutunan kong posibleng magpatuloy ang pagkimkim ng sama ng loob kung ang ibig sabihin lang ng pananampalataya mo’y nilingon mo ang Krus at iniisip mo lang na hindi ka na paparusahan. Kaya napilitan akong tingnan ito nang mas malalim pa sa tunay na pananampalataya — hindi lang relief na hindi na ako mapaparusahan, kundi isang mas malalim na kasiyahan sa lahat ng meron sa akin ang Diyos kay Jesus. Ang pananampalatayang ito ay hindi lang lumilingon para matuklasan na tayo’y hindi na mapaparusahan, kundi para makita at matikman ang uri ng Diyos na nag-aalok sa atin ng isang kinabukasan ng walang-hanggang reconciled tomorrows sa pakikipagkaibigan sa Kanya. Napakahalaga ang satisfied fellowship sa ganitong mapagpatawad na Diyos para sa pagiging mapagpatawad nating tao.