Ngunit ito ang taong aking titingnan, siya na mapagpakumbaba at may nagsisising diwa, at nanginginig sa aking salita. (Isaiah 66:2, ABTAG2001)
Ang unang tanda ng matuwid na puso ay nanginginig ito sa salita ng Panginoon.
Tinitingnan ng Isaias 66 ang problema na sumasamba ang ilan sa paraang nakalulugod sa Diyos at ang ilang sa paraan na hindi. Inilarawan sa talata 3 ang masasama na nagdadala ng kanilang mga handog, “Ang kumakatay ng baka ay gaya ng pumapatay ng tao.” Ang kanilang mga handog ay karumal-dumal sa Diyos — kapantay ng pagpatay. Bakit?
Ipinaliwanag ng Diyos sa talata 4, “Nang ako’y tumawag, walang sumagot, nang ako’y magsalita ay hindi sila nakinig.” Ang kanilang mga sakripisyo ay karumal-dumal sa Diyos dahil ang mga tao ay bingi sa Kanyang tinig. Pero paano naman ang mga taong dininig ng Diyos ang mga panalangin? Sabi ng Diyos sa talata 2, “Ngunit ito ang taong aking titingnan, siya na mapagpakumbaba at may nagsisising diwa, at nanginginig sa aking salita.”
Hinuha ko mula rito na ang unang tanda ng matuwid, iyong mga panalangin ay nakalulugod sa Diyos, ay silang nanginginig sa salita ng Diyos. Ito ang mga taong titingnan ng Panginoon.
Kaya, ang panalangin ng matuwid na kalugud-lugod na Diyos ay nagmumula sa pusong nakararamdam sa una ng panganib sa presensya ng Diyos. Nanginginig ito sa pakikinig sa salita ng Diyos, dahil may pakiramdam siya na napakalayo nito sa pamantayan ng Diyos at vulnerable ito sa Kanyang paghatol at wala itong magawa at nalulungkot talaga ito dahil sa mga pagkukulang nito.
Ito ang sinabi ni David sa Mga Awit 51:17, “Ang mga hain sa Diyos ay bagbag na diwa, isang bagbag at nagsisising puso, O Diyos, ay hindi mo hahamakin.” Ang unang bagay na katanggap-tanggap sa panalangin sa Diyos ay ang pagiging wasak at pagpapakumbaba ng isang taong nagdarasal. Nanginginig sila sa Kanyang salita.
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/what-kind-of-prayer-pleases-god
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.