Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan.Alam ko kung paano maghikahos; alam ko rin kung paano managana; natutunan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap.Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. (Filipos 4:11-13)
Ang future grace na nilalaan ng Diyos sa pang-araw-araw ang siyang umaagapay kay Paul para maging busog o maging gutom, magkaroon ng mabuti o nagdurusang kalagayan, o magkaroon ng kasaganaan o kakulangan.
“Lahat” talaga ang ibig sabihin ng “Lahat ng ito’y magagawa ko,” hindi lang ang madadaling bagay. Ang ibig sabihin ng “Lahat ng bagay” ay “Kay Cristo, puwede akong magutom at magdusa at magkulang.” Inilalagay nito ang napakagandang pangako ng Filipos 4:19 sa tamang perspective: “Ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus.”
Ano ang ibig sabihin ng “lahat ng inyong kailangan” sa pananaw ng Filipos 4:11–12? Ibig sabihin, “lahat ng kailangan ninyo para sa God-glorifying na kasapatan.” Puwedeng may kasamang gutom at pangangailangan ito. Ang pagmamahal ni Paul sa mga taga-Filipos ay dumaloy mula sa kanyang contentment sa Diyos, at dumaloy ang kanyang kasiyahan mula sa pananampalataya sa future grace ng tiyak na provision ng Diyos, na kanyang tanging kailangan sa panahon ng kasaganaan at kakulangan.
Malinaw na ang pag-iimbot ay eksaktong kabaligtaran ng pananampalataya. Ito ang pagkawala ng kasiyahan kay Cristo kaya sinisimulan nating maghanap ng iba pang bagay para i-satisfy ang mga inaasam ng ating puso na tanging ang presensya ng Diyos mismo ang makaka-satisfy. At walang pagkakamali na ang digmaan laban sa pag-iimbot ay digmaan laban sa unbelief sa pangako ng Diyos na maging tanging kailangan natin sa bawat sitwasyon.
Napakalinaw nito sa Hebreo 13:5. Tingnan kung paano nakikipagtalo ang may-akda para sa ating kalayaan mula sa pag-ibig sa pera — kalayaan mula sa pag-iimbot — ang kalayaan ng contentment sa Diyos: “Iwasan ninyo ang pag-ibig sa salapi. Masiyahan na kayo kung ano'ng mayroon kayo, sapagkat sinabi ng Diyos, ‘Hinding-hindi kita iiwan, ni pababayaan man.’” Winawasak ng faith sa pangakong ito — “Hindi kita iiwan” — ang kapangyarihan ng lahat ng pagnanais na nakaka-dishonor sa Diyos — lahat ng pag-iimbot.
Tuwing nararamdaman natin ang pag-usbong ng kahit ang pinakamaliit na pag-iimbot sa ating puso, dapat natin labanan ito nang buong kakayahan natin gamit ang mga sandata ng pananampalatayang ito.
Devotional excerpted from Future Grace, page 224
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/i-can-be-content-in-every-circumstance
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.