Listen

Description

Lalo siyang lumakas dahil sa kanyang pananampalataya at nagpuri pa sa Diyos. Lubos siyang naniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito. (Roma 4:20-21)

Sa isip ni Paul ay may espesyal na dahilan kung bakit niluluwalhati ng pananampalataya ang future grace ng Diyos. Sa madaling sabi, ang dahilan ay ito: Ang God-glorifying faith ay pagtitiwala na nakatuon sa hinaharap, sa integridad at kapangyarihan at karunungan ng Diyos na gawin ang lahat ng Kanyang ipinangako.

Inilalarawan ni Paul ang pananampalatayang ito sa pagtugon ni Abraham sa pangako ng Diyos: na magiging ama siya ng maraming bansa kahit matanda na siya at baog ang kanyang asawa (Roma 4:18). “Umaasa kahit wala nang pag-asa,” ibig sabihin, sumampalataya siya sa future grace ng pangako ng Diyos, sa kabila ng lahat  ng pangmundong katibayan na kumokontra rito.

Hindi nanghina ang kanyang pananampalataya nang naisip niya ang kanyang katawan, na parang patay na (dahil isandaang taon na siya), o nang naisip niya ang pagkabaog ng sinapupunan ni Sarah. Walang unbelief ang nagdulot sa kanya na mag-alinlangan sa pangako ng Diyos. Sa halip, lalo siyang lumakas sa pananampalataya habang nagbibigay-luwalhati sa Diyos, lubos na naniniwala na tutuparin ng Diyos ang ipinangako nito. (Roma 4:19–21)

Ang faith ni Abraham ay pananampalataya sa pangako ng Diyos na gagawin siyang ama ng maraming bansa. Niluwalhati ng faith na ito ang Diyos dahil binigyan-pansin nito ang lahat ng makapangyarihan at di-pangkaraniwang pagkukunan ng Diyos na kailangan para maisakatuparan ito.

Napakatanda na ni Abraham para magkaroon ng mga anak, at baog si Sarah. Hindi lang iyan: Paano mo gagawing “maraming bansa” ang anak o dalawa, na sinabi ng Diyos na magiging ama si Abraham? Parang imposibleng mangyari ito.

Samakatwid, niluwalhati ng faith ni Abraham ang Diyos sa kanyang pagiging sigurado na magagawa Niya at gagawin Niya ang imposibleng magawa ng tao. Ito ang pananampalatayang tinatawag tayo na magkaroon. Gagawin ng Diyos para sa atin ang hindi natin magagawa para sa ating sarili.