Kinaumagahan, nagkasundo ang mga Judio at ang bawat isa ay sumumpa na hindi kakain o iinom hangga’t hindi nila napapatay si Pablo. (Mga Gawa 23:12)
Paano naman ’yung mga gutom na taong nangakong ’di kakain hanggang hindi nila naa-ambush si Paul?
Mababasa natin ang tungkol sa kanila sa Mga Gawa 23:12, “Kinaumagahan, nagkasundo ang mga Judio at ang bawat isa ay sumumpa na hindi kakain o iinom hangga’t hindi nila napapatay si Pablo.” Hindi ito nangyari. Bakit? Dahil may mga pangyayaring malabong mangyari ang nangyari:
Bawat isa sa mga pangyayaring ito ay malabong mangyari. Kakaiba. Pero ’yan ang nangyari.
Ano’ng hindi naisip ng mga gutom na taong ’yon na naghihintay mang-ambush? Hindi nila alam ang nangyari kay Paul bago nila ginawa ang kanilang plano. Nagpakita ang Panginoon kay Paul sa bilangguan at sinabing, “Lakasan mo ang iyong loob! Kung paanong nagpatotoo ka tungkol sa akin dito sa Jerusalem, kailangang magpatotoo ka rin sa Roma” (Mga Gawa 23:11).
Sinabi ni Cristo na pupunta si Paul sa Roma. At ’yun na ’yun. Walang ambush na makakahadlang sa pangako ni Cristo. Hanggang makarating siya sa Roma, imortal si Pablo. May huling patotoong kailangang ipahayag. At sisiguraduhin ni Cristo na masasabi ito ni Paul.
Ikaw rin ay may huling patotoo na ipapahayag. At imortal ka hanggang masabi mo ito.
Devotional excerpted from “Nothing Stands Against Christ”
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/when-you-are-immortal
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.