Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito. (Roma 13:14) Hindi nabubuhay ang mga Cristiano na parang mga dikya, palutang-lutang lang sa mga alon ng kasalukuyang kultura. Nabubuhay tayo ayon sa kapangyarihan ng Espiritu at nahahanap natin ang ating dadaanan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Lumalangoy tayo — tulad ng dolphin, hindi ng dikya. Bahagi ng ating course setting at kapangyarihan nito ay maipapahayag sa maingat na pakikipag-ugnayan sa digital realities ngayon, kasama ang mga panganib dito. Narito ang lima. Ang hook ng pagiging maosyoso Nag-aalok ang ating gadgets ng walang-katapusang posibilidad para sa pagtuklas. Kahit ang simple na operating systems ay puwedeng umubos ng maraming oras sa pag-uusisa at pag-e-eksperimento. Di rin mabilang ang apps na uubos ng iyong oras habang inaakit ka nila sa kanilang kasalimuutan. Ang lahat ng ito ay nakapanlilinlang, nagbibigay ng ilusyon ng kapangyarihan at galing, ngunit iiwan kang nakararamdam ng kawalan at kaba sa huli. Resolusyon: Mahigpit kong lilimitahan ang paggugol ng oras sa pag-e-eksperimento sa aking gadgets at maglalaan ng mas maraming oras sa katotohanan kaysa sa technique. Ang kawalan sa mundo ng virtual (un)reality Nakakalungkot makakita ng matatalino at malikhaing mga tao na naglalaan ng maraming oras at araw ng kanilang buhay sa paglikha ng mga lungsod at hukbo at adventure na walang kinalaman sa realidad. Mayroon tayong iisang buhay. Lahat ng kapangyarihan ay ibinigay sa atin ng tunay na Diyos para sa tunay na mundo, na naghahatid sa tunay na langit at tunay na impiyerno. Resolusyon: Gagamitin ko ang aking paggawa at malikhaing lakas para sa tunay na mundo at hindi sa di-makatotohanang “virtual reality.” “Personal” na ugnayan sa isang makina Walang ibang imbensyon na halos katulad ng tao kaysa sa computer. Puwede kang maglaro rito. Kakausapin ka nito. Lagi itong nariyan para sa ’yo. May malaking panganib dito dahil maaari tayong maging tunay na komportable sa electronic “person” na kaya nating i-manage, at dahan-dahang lumayo mula sa unpredictable, frustrating, at minsan masakit na pakikitungo sa mga tunay na tao. Resolusyon: Hindi ko ipagpapalit ang personal na relasyon sa kapanatagan sa isang impersonal na computer. Ang panganib ng tryst “Trsyt \’trist\ pangngalan: kasunduan (sa pagitan ng mangingibig) na magkita.” Nagsisimula ang sexual affairs sa pribadong oras na magkasama, mahahabang pag-uusap, at pagbabahagi ng kaluluwa, na lahat ay maaari nang gawin nang palihim sa pamamagitan ng digital devices. Puwede mong isipin na “wala lang ’yun” — hanggang bigla siyang bumisita sa ’yo. Resolusyon: Hindi ako magku-cultivate ng one-on-one na ugnayan sa isang tao ng opposite sex maliban sa aking asawa. Kung ako’y single, hindi ako magku-cultivate nang ganitong ugnayan sa asawa ng ibang tao. Pornograpiya Mas mapanira ang X-rated videos. Maaaring hindi lang tayo nanonood kundi nakikisali rin sa kahalayan nito sa privacy ng ating kuwarto. Pinapayagan ng interactive porn na “gawin mo ito” o “ipagawa ito sa kanila” virtually. Hindi pa ako nakakakita nito. At wala akong balak makakita nito. Pumamatay ito ng espiritu. Tinutulak nito palayo ang Diyos. Tinatanggalan nito ng pagkatao ang kababaihan. Pinapatay nito ang panalangin. Binablanko nito ang Biblia. Tinatanggalan nito ng halaga ang kaluluwa. Sumisira ito ng spiritual power. Dinudumihan nito ang lahat. Resolusyon: Hinding-hindi ako magbubukas ng kahit anong app o website para sa sexual stimulation, o bibili o magdo-download ng kahit anong pornographic.