Ang sariling dati-rati’y namumuhay nang baluktot, nang ako ay parusahan, salita mo ang sinunod. (Mga Awit 119:67)
Ipinapakita sa talatang ito na nagpapadala ng paghihirap ang Diyos para tulungan tayong matutuhan ang Kanyang salita. Paano ito nangyayari? Paano tayo natutulungan ng pagdurusa na matutuhan at sumunod sa Salita ng Diyos?
May di-mabilang na mga sagot, tulad ng di-mabilang na mga karanasan ng dakilang kahabagang ito. Ngunit heto ang lima:
1. Inaalis ng pagdurusa ang kababawan ng buhay at ginagawa tayo nitong mas seryoso, kaya mas nakakasabay ang ating isipan sa kahalagahan ng Salita ng Diyos. At ating tandaan: Walang ni isang mababaw na pahina sa aklat ng Diyos.
2. Tinutumba ng paghihirap ang mga makamundong tuntungan ng ating mga paa at pinupwersa tayong umasa sa Diyos. Tinutulungan tayo nitong mas makasabay sa sa layunin ng Salita. Dahil ang layunin ng Salita ay umasa tayo sa Diyos at magtiwala sa Kanya. “Anumang nasa Kasulatan noon pang una ay nasulat sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at sa pagpapalakas ng loob mula sa kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa” (Roma 15:4). “Ang mga nakasulat dito ay isinulat upang kayo’y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos” (Juan 20:31).
3. Dahil sa pagdurusa, mas desperado tayong naghahanap ng tulong mula sa Banal na Kasulatan, imbis na ituring itong hindi mahalaga sa buhay. “Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin” (Jeremias 29:13).
4. Ang paghihirap ay ginagawa tayong partner ni Cristo sa Kanyang paghihirap, kaya mas nakaka-fellowship natin Siya at nakikita natin ang daigdig sa Kanyang mga mata. Ang matinding pagnanais sa puso ni Pablo ay “lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan” (Filipos 3:10).
5. Pinapatay ng pagdurusa ay mapanlinlang at nakagagambalang pagnanasa ng laman, at dinadala tayo sa mas espirituwal na kaanyuan at ginagawa tayong receptive sa espirituwal na Salita ng Diyos. “Yamang si Cristo’y nagtiis ng hirap noong siya’y nasa buhay na ito, kayo man ay dapat maging handang magtiis, sapagkat ang nagtiis na ng hirap sa buhay na ito ay tumalikod na sa kasalanan” (1 Pedro 4:1). May malaking epekto sa pagpatay ng kasalanan ang paghihirap. At kapag mas malinis ang ating puso, mas makikita natin ang Diyos (Mateo 5:8).
Nawa’y bigyan tayo ng Banal na Espiritu ng grace na huwag ipagdamot ang katuruan ng Diyos sa pamamagitan ng sakit.