Listen

Description

“Katatapos pa lamang isalaysay ni Simon kung paano unang ipinamalas ng Diyos ang kanyang pagkalinga sa mga Hentil upang mula sa kanila ay may mga mapabilang sa kanyang bayan.” (Mga Gawa 15:14)

Talagang hindi posibleng labis nating bigyan-diin ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos, ang Kanyang karangalan, upang maging dahilan ng misyon ng church.

Nang nabaligtad ang mundo ni Pedro ng pangitain ng maruruming hayop sa Mga Gawa 10, at ng aral mula sa Diyos na dapat siyang magpahayag ng ebanghelyo sa parehong Hentil at Judyo, bumalik siya sa Jerusalem at sinabi sa mga apostol na ang lahat ng iyon ay dahil sa kasigasigan ng Diyos para sa Kanyang pangalan. Nalaman natin ito dahil ibinuod ni James ang speech ni Pedro tulad nito: “Mga kapatid, makinig kayo sa akin.  Katatapos pa lamang isalaysay ni Simon kung paano unang ipinamalas ng Diyos ang kanyang pagkalinga sa mga Hentil upang mula sa kanila ay may mga mapabilang sa kanyang bayan” (Mga Gawa 15:13–14).

Hindi kataka-takang sabihin ni Pedrong ang layunin ng Diyos ay magtipon ng mga tao para sa Kanyang pangalan, dahil tinuruan ng Panginoong Jesus si Pedro ng isang di-malilimutang aral ilang taon bago iyon.

Maaalala mong matapos tumalikod ng isang binatang mayaman kay Jesus at tumanggi itong sumunod sa Kanya, sinabi ni Pedro kay Jesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo [di tulad ng binatang mayaman]. Ano po naman ang para sa amin?” (Mateo 19:27). Mahinahon siyang sinaway ni Jesus, ipinakita na walang tunay na sakripisyo kapag nabubuhay ka para sa ngalan ng Anak ng Tao. Tugon Niya, “Kapag iniwan ninuman ang kanyang tahanan, mga kapatid na lalaki at babae, ama, ina, [asawa,] mga anak, o mga lupain alang-alang sa akin ay tatanggap siya ng sandaang ibayo at pagkakalooban siya ng buhay na walang hanggan” (Mateo 19:29).

Malinaw ang katotohanang ito: May galak na ipinagpapatuloy ng Diyos ang pandaigdigang layunin na pagtitipon ng mga tao para sa Kanyang pangalan, mula sa bawat lahi, wika, bayan, at bansa (Pahayag 5:9; 7:9). Hindi maubos-ubos ang Kanyang enthusiasm para sa karangalan ng Kanyang pangalan sa mga bansa.

Kung gayon, kapag sumasangayon ang ating layunin sa layunin ng Diyos, at alang-alang sa Kanya’y tinatalikuran ang ating paghahanap sa makamundong karangalan at ginhawa, at sumama tayo sa Kanyang global purpose, ang ubod nang tibay na commitment ng Diyos ay tila bandilang nawagayway sa ating harapan. Hindi tayo matatalo, kahit na maglakad pa tayo sa gitna ng maraming kapighatian (Mga Gawa 14:22; Roma 8:35–39).