Listen

Description

“Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.” (Mateo 24:14)

Wala akong alam na mas inspiring na pangako tungkol sa pagmimisyon kaysa sa salitang ito mula kay Jesus.

Hindi: Dapat ipangaral ang ebanghelyong ito.

Hindi: Puwedeng ipangaral ang ebanghelyong ito.

Kundi: Ipapangaral ang ebanghelyong ito.

Hindi ito isang dakilang komisyon, ni isang dakilang utos. Ito’y isang dakilang katiyakan, isang dakilang pagtitiwala.

Sino ba naman ang maglalakas-loob magsalita ng ganyan? Paano Niya nalamang mangyayari ito? Paano Siya nakakatiyak na hindi mabibigo ang simbahan sa gawaing pangmisyong ito?

Sagot: Ang biyaya ng paglilingkod sa misyon ay kasing irresistible ng biyaya ng pagbabagong-buhay. Kayang mangako ni Cristo ng pandaigdigang pagpapahayag dahil sovereign Siya. Alam Niya ang tagumpay ng mga misyon sa hinaharap dahil Siya ang gumagawa ng hinaharap. Makikinig ang lahat ng bansa!

Hindi isang modernong “bansa” ang “bansa” na ito. Nang banggitin sa Lumang Tipan ang tungkol sa mga bansa, tinutukoy nito ang mga grupo tulad ng Jebusites at Perizites at Hivites at Amorites at Moabites at Canaanites at Philistines. Ang “mga bansa” ay mga pangkat etniko na may kanya-kanyang kakaibang wika at kultura. Awit 117:1: “Purihin si Yahweh! Dapat na purihin ng lahat ng bansa. Siya ay purihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa!” Ang mga bansa ay mga tao — mga grupo ng tao, kung tawagin natin sila.

Bilang sovereign na Anak ng Diyos at Panginoon ng simbahan, tinanggap lang ni Jesus ang banal na layuning ito at sinabi bilang katiyakan, “Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas” (Mateo 24:14).

Tiyak na tiyak na ang tagumpay ng usapin ng mga misyon sa mundo. Hindi ito puwedeng mabigo. Kung gayon, hindi ba reasonable lang na manalangin tayo nang may lubos na pananampalataya, na mamuhunan tayo nang may lubos na pagtitiwala, at humayo tayo nang may pakiramdam sa tiyak na tagumpay?

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/jesus-will-finish-the-mission

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.