Tinitiyak ng Kamangmangan ang Kasamaan
Ipinagkaloob sa atin ng kanyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na kailangan sa buhay at pagiging maka-Diyos, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kanya na tumawag sa atin sa kanyang sariling kaluwalhatian at kabutihan. (2 Peter 1:3, ABTAG2001)
Namamangha ako sa kapangyarihang iniuugnay ng Biblia sa karunungan.
Pakinggan muli ang 2 Peter 1:3: “Ipinagkaloob . . . ng [banal na kapangyarihan ng Diyos] ang lahat ng mga bagay na kailangan sa buhay at pagiging maka-Diyos, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kanya na tumawag sa atin sa kanyang sariling kaluwalhatian at kabutihan.”
Literal na ang lahat ng kapangyarihang makukuha mula sa Diyos para mabuhay at maging maka-Diyos ay dumarating sa pamamagitan ng karunungan! Kamangha-mangha! Dapat natin bigyang-halaga ang doktrina at tagubilin sa Kasulatan! Buhay at kabanalan ang nakataya rito.
Pero hindi nito ginagarantiya ang kabanalan. Hindi. Pero tila ginagarantiya ng kamangmangan ang kasamaan. Sabi ni Pedro, ito’y dahil ang banal na kapangyarihan na nagdadala sa kabanalan ay ibinibigay sa pamamagitan ng kaalaman tungkol sa Diyos.
Narito ang tatlong implikasyon, isang babala, at isang panghihikayat.
1. Magbasa! Magbasa! Magbasa! Pero mag-ingat na hindi mag-aksaya ng oras sa mga teolohikal na bula. Magbasa ng mga doktrinal na aklat na mayaman sa paksa ng “tumawag sa iyo sa Kanyang kaluwalhatian at kahusayan.”
2. Magbulay-bulay! Magbulay-bulay! Magdahan-dahan. Mag-ukol ng panahon para isipin ang ibig sabihin ng Biblia kapag binabasa mo ito. Magtanong. Mag-journal. Hayaan mabagabag nang may pagpapakumbaba ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga nakapagtatakang bagay. Nagmumula ang pinakamalalalim na pananaw sa pagsisikap na makita ang ugat na nag-uugnay sa dalawang tila magkaaway na sanga sa puno ng katotohanan.
3. Pag-usapan. Pag-usapan. Maging bahagi ng isang maliit na grupo na lubos ang malasakit sa katotohanan. Hindi isang grupo na mahilig lang magsalita at magbanggit ng mga problema. Kundi isang grupo na naniniwalang may mga biblikal na sagot sa mga biblikal na problema, at matatagpuan ang mga ito.
Babala: “Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan” (Hosea 4:6). “Sila’y masigasig na maging kalugud-lugod sa Diyos. Hindi nga lamang batay sa tamang kaalaman” (Roma 10:2). Kaya mag-ingat sa nakamamatay na epekto ng kamangmangan.
Panghihikayat: “Halikayo't kilalanin natin si Yahweh, sikapin nating siya’y makilala” (Hosea 6:3).
Devotional excerpted from “The Power of Knowledge”
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/ignorance-guarantees-ungodliness
Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).
John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.