Listen

Description

Ang Disenyo ng Diyos sa mga Detour

At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama. (Colosas 3:17)

Naisip mo na ba kung ano’ng ginagawa ng Diyos habang naghahanap ka sa maling lugar ng isang bagay na nawala mo’t kailangang-kailangan na? Alam Niya eksakto kung nasaan ito, pero hinahayaan ka Niyang maghanap sa maling lugar.

Minsan ay kinailangan ko ang isang quote para sa bagong edisyon ng libro kong Desiring God. Alam kong nabasa ko na ito kay Richard Wurmbrand. Akala ko’y nasa devotional book niya itong Reaching Toward the Heights. Halos nakikita ko na ito sa mga pahina ng aklat. Pero hindi ko ito mahanap-hanap. 

Pero habang naghahanap ako, napako ang atensyon ko sa devotional niya para sa November 30. Habang binabasa ko ito, sinabi ko, “Ito ang dahilan kung bakit hinayaan ako ng Panginoon na patuloy maghanap ng aking quote sa ‘maling lugar.’” Narito ang isang kuwento na perpektong inilalarawan na walang nasasayang sa mga ginagawa natin para sa ngalan ni Jesus — wala, kahit pa ang paghahanap ng sipi mula sa maling lugar. Ito ang nabasa ko:

Sa isang tahanan para sa mga batang may kapansanan, dalawampung taong inalagaan si Catherine. [May kapansanan sa pag-iisip] ang bata mula pa sa simula, at hindi kailanman nakapagsalita, kundi parang lantang gulay lang. Tahimik lang siyang nakatingin sa mga pader o kumikilos nang pabaluktot. Ang pagkain, pag-inom, pagtulog, ito ang buong buhay niya. Parang wala siyang pakialam sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Kailangang putulin ang isa niyang binti. Nais ng mga bantay na mapabuti si Cathy at umasa silang kunin na siya ng Panginoon para makapiling Niya.Isang araw, tinawagan ng doktor ang director para pumunta agad sa tahanan. Malapit nang mamatay si Catherine. Pagpasok nilang dalawa sa kwarto, hindi sila makapaniwala sa nakita. Umaawit si Catherine ng mga Cristianong himno na kanyang narinig at napulot, ang mga angkop lang para sa mga mamamatay na. Paulit-ulit niyang inawit ang German na kantang, “Saan matatagpuan ng kaluluwa ang kanyang amang-bayan, ang kanyang pahinga?” Umawit siya nang kalahating oras na may bagong anyo ang mukha, at pagkatapos ay tahimik siyang pumanaw. (Mula sa The Best Is Still to Come, Wuppertal: Sonne und Shild)

May bagay bang nasasayang na ginawa para sa ngalan ni Cristo?

Hindi nasayang ang bigo at walang-saysay na paghahanap ko sa akala kong aking kailangan. Ang pag-awit sa batang ito na may kapansanan ay hindi nasayang. At ang iyong paghihirap, ang wala sa planong detour ay hindi walang-saysay – kung hahanapin mo ang Panginoon para sa Kanyang di-inaasahang gawain, at gagawin ang lahat sa Kanyang pangalan (Colosas 3:17).

Devotional excerpted from “Is It a Detour If You Find Gold?”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/gods-design-in-detours

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.