“Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.” (Juan 6:35)
Itinuturo ng tekstong ito ang katotohanang ang paniniwala kay Jesus ay pagkain at pag-inom mula sa kung ano si Jesus. Sinasabi pa nga nitong natutugunan ang pagkauhaw ng ating kaluluwa kay Jesus, kaya’t hindi na tayo nauuhaw pa.
Siya ang katapusan ng paghahanap natin ng kasiyahan. Wala nang iba pa, at wala nang mas maganda pa rito.
Kapag nagtiwala tayo kay Jesus sa paraang nilayon ni Juan na gawin natin, ang presensya at pangako Niya ay talagang satisfying, kaya hindi tayo panghihinaan ng loob sa lahat ng nakakaakit na kasiyahan ng kasalanan (tingnan sa Roma 6:14). Ipinapakita nito kung bakit ang ganitong pananampalataya kay Jesus ay nagtatanggal ng kapangyarihan ng kasalanan at binibigyan tayo ng kakayahang sumunod.
Tumuturo ang Juan 4:14 sa parehong direksyon: “[Ang] sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.” Alinsunod sa Juan 6:35, binanggit dito ang saving faith bilang pag-inom ng tubig na nagbibigay-kasiyahan sa pinakamatitinding pananabik ng kaluluwa. At nagiging produktibo ang kasiyahang ito, tulad ng isang umaapaw na balon.
Ganyan din sa Juan 7:37–38: “Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, “Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom.Ang sumasampalataya sa akin, ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ‘Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.’”
Sa pamamagitan ng pananampalataya, nagiging di-nauubos na bukal ng kasiya-siyang buhay si Cristo sa atin, na tumatagal magpakailanman at inaakay tayo patungo sa langit, at habang nasa daan tayo papunta roon ay pinapalaya tayo sa makasalanang ilusyon ng iba pang mga kasiyahan. Ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa atin ng Kanyang Espiritu (Juan 7:38–39).