Listen

Description

Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. (Efeso 1:4-5)

Ang karanasan ni Charles Spurgeon ay hindi higit sa kakayahan ng sinumang ordinaryong Kristiyano.

Si Spurgeon, na nabuhay mula 1834 hanggang 1892, ay isang contemporary at kaibigan nina George Mueller at Hudson Taylor. Naglingkod siya sa Metropolitan Tabernacle sa London nang higit tatlumpung taon bilang pinakakilalang pastor ng kanyang panahon.

Napakabisa ng kanyang preaching kaya naco-convert ang mga tao kay Cristo linggo-linggo. Nililimbag pa rin ang kanyang mga sermon ngayon at itinuturing siyang modelong soul winner ng nakararami.

Binabalikan niya ang isang karanasan noong 16 years old siya, na humugis sa kanyang buhay at ministeryo hanggang sa dulo ng buhay niya.

Nang lumapit ako kay Cristo, akala ko’y ginagawa ko ito nang sarili ko lang, at kahit masigasig kong hinanap ang Panginoon, wala akong ideya na hinahanap ako ng Panginoon. Palagay ko, sa una’y hindi ito alam ng bagong convert.

Naaalala ko mismo ang araw at oras nang una kong tinanggap ang mga katotohanang iyon [ang mga doktrina ng pinakadakila at mapagtagumpay na grace] sa sarili kong kaluluwa — nang sila’y tumatak sa puso ko tulad ng mainit na bakal, tulad ng sabi ni John Bunyan, at naaalala ko ang pakiramdam na ako’y lumago, biglaan, mula sa isang sanggol sa pagiging isang lalaki — na ako ay lumago sa kaalaman sa Banal na Kasulatan, sa pagkakahanap ko, sa wakas, ng clue sa katotohanan ng Diyos.

Isang gabi, habang nakaupo ako sa bahay ng Diyos, hindi ko gaanong pinag-iisipan ang sermon ng mangangaral, dahil hindi ako naniniwala rito.

Naisip ko, Paano ka naging Kristiyano?  Hinanap ko ang Panginoon. Pero paano ka nakarating sa paghahanap sa Panginoon? Sumagi sa isip ko ang katotohanan — hindi ko Siya hahanapin maliban kung may naunang impluwensya sa aking isipan na hanapin Siya. Nagdasal ako, nag-isip ko, pero tinanong ko ang sarili ko, Paano ako nakarating sa pagdarasal? Nahikayat akong manalangin sa pagbabasa ng Scriptures. Paano ako nakarating sa pagbabasa ng Scriptures? Binasa ko ito, pero ano ang nagtulak sa akin para gawin ito?

Sa sandaling iyon, nakita ko na ang Diyos ang may kagagawan ng lahat ng ito, at Siya ang May-akda ng aking pananampalataya, at sa gayon ang buong doktrina ng grace ay nagbukas sa akin, at hindi ako iniwan ang doktrinang ito hanggang sa araw na ito, at gusto kong maging patuloy na confession ito, “Tanging ang Diyos ang dahilan ng pagbabago ko.”

Ikaw? Tanging ang Diyos ba ang dahilan ng iyong conversion? Siya ba ang may kagagawan ng lahat ng ito? Dahil ba rito’y pinupuri mo ang glory ng Kanyang pinakadakila at mapagtagumpay na grace?