Si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, ay magpapakita sa ikalawang pagkakataon, hindi upang harapin ang kasalanan, kundi upang iligtas ang mga sabik na naghihintay sa kanya. (Hebreo 9:28, ABTAG2001)
Ang tanong sa ating lahat ay: Kasama ba tayo sa “marami” na ang mga kasalana’y pinasan ni Cristo? At maliligtas ba tayo sa Kanyang muling pagbabalik?
Ang sagot sa Hebreo 9:28 ay, “Oo,” kung tayo ay “sabik na naghihintay sa kanya.” Malalaman natin na inalis na ang ating mga kasalanan at magiging ligtas tayo sa judgment, kung nagtitiwala tayo kay Cristo sa paraan na sabik tayo sa Kanyang pagdating.
May huwad na pananampalataya na nagsasabing naniniwala kay Cristo, pero fire insurance policy lang ito. “Naniniwala” ang huwad na pananampalataya para lang makatakas sa impyerno. Wala itong tunay na desire kay Cristo. Katunayan, mas gusto nito kung hindi Siya dumating, para magkaroon tayo ng maraming kasiyahan sa mundong ito hangga’t maaari. Ipinapakita nito na ang isang puso ay hindi kay Cristo, kundi sa mundo.
Kaya, ang issue para sa atin ay: Sabik ba tayo sa pagdating ni Cristo? O gusto ba nating manatili Siyang malayo, samantalang nagpapatuloy ang ating pagmamahal sa mundo? Iyan ang tanong na susubok sa pagiging tunay ng pananampalataya.
Maging katulad tayo ng mga taga-Corinto habang tayo’y “naghihintay sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (1 Corinto 1:7, ABTAG2001), at gaya ng mga taga-Filipos na ang “pagkamamamayan ay nasa langit; mula roon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo” (Filipos 3:20, ABTAG2001).
Iyan ang issue para sa atin. Gustong-gusto ba natin na Siya’y dumating? O mahal ba natin ang mundo at umaasa tayo na hindi maaabala ng Kanyang pagpapakita ang ating mga plano? Ang eternity ay nakasabit sa tanong na ito.