Listen

Description

Umuwing masaya ang lahat upang magdiwang . . . sapagkat naunawaan nila ang ipinaliwanag sa kanila. (Nehemiah 8:12)  

Ang tanging kagalakang nagre-reflect sa kahalagahan ng Diyos at umaapaw sa pag-ibig na lumuluwalhati sa Diyos ay nakabatay sa tunay na kaalaman sa Kanya. At hanggang maliit o may kapintasan ang ating kaalaman, ang ating kagalakan ay magiging mahinang echo ng tunay na kahusayan ng Diyos.   

Ang karanasan ng Israel sa Nehemiah 8:12 ay isang halimbawa kung paano nangyayari ang God-glorifying na kagalakan sa puso. Binasa ni Ezra ang Salita ng Diyos sa kanila at ipinaliwanag ito ng Levites. At pagkatapos ay umalis ang mga tao “upang magdiwang.”   

Ang kanilang pagdiriwang ay dahil naunawaan nila ang mga salita — ang tunay na mga salita ng Diyos.   

Natikman na ng karamihan sa atin ang karanasan ng pusong nag-aalab sa galak nang mabuksan sa atin ang Salita ng Diyos (Lucas 24:32). Dalawang beses sinabi ni Jesus na tinuruan Niya ang Kanyang mga alagad alang-alang sa kanilang kagalakan.  J

uan 15:11, “Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon ay malubos ang inyong kagalakan.”  

Juan 17:13, “Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo, at sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang mapuspos sila ng aking kagalakan.”   

At ang pangunahing nakikita natin sa salita ay ang Panginoon mismo — ang Diyos mismo — na nag-aalay ng Kanyang sarili para makilala at ma-enjoy natin. “Ipinakilala ng Panginoon ang kanyang sarili kay Samuel sa Shilo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon” (1 Samuel 3:21, ABTAG2001).   

Ang punto ay ito: Kung ire-reflect ng ating kagalakan ang kaluwalhatian ng Diyos, kailangang dumaloy ito mula sa tunay na kaalaman kung paano naging dakila ang Diyos. Kung ie-enjoy natin ang Diyos gaya ng nararapat, dapat natin Siyang tunay na kilalanin.