Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas. (Isaiah 41:10)
Kapag nababalisa ako sa ilang risky (na bagong proyekto o miting, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang isa sa pinakamadalas kong gamiting pangako: Isaiah 41:10.
Noong araw ng aking pag-alis para sa tatlong taong pag-aaral sa Germany, nag-long distance call ang tatay ko sa akin mula New York at ibinigay sa akin ang pangako ng talatang ito. Sa loob ng tatlong taon, daan-daang beses ko yata itong binanggit sa aking sarili para malagpasan ang matinding stress.
Kapag naka-neutral ang takbo ng aking isipan, ang huni ng kambyo nito ay ang tunog ng Isaiah 41:10. Mahal ko ang talatang ito.
Siyempre, hindi lang ito ang patalim sa arsenal ng aking pananampalataya.
Kapag nababalisa ako sa aking ministeryo na tila walang silbi at walang laman, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang pangako ng Isaiah 55:11, “Gayundin naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito’y hindi babalik sa akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang aking ninanais.”
Kapag nababalisa ako sa aking kahinaan para gawin aking trabaho, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang pangako ni Cristo, “Ang kagandahang-loob ko ay sapat na para sa iyo, sapagkat lubusang nahahayag ang aking kapangyarihan kapag ikaw ay mahina” (2 Corinto 12:9).
Kapag nababalisa ako sa mga desisyong kailangan kong gawin tungkol sa hinaharap, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang pangakong ito, “Aakayin kita sa daan, tuturuan kita at laging papayuhan” (Mga Awit 32:8).
Kapag nababalisa ako sa pagharap sa mga katunggali, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang pangakong, “Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin?” (Roma 8:31).
Kapag nababalisa ako tungkol sa kapakanan ng mga mahal ko sa buhay, nilalabanan ko ang unbelief gamit ang pangako na kung ang masamang taong tulad ko ay alam kung paano magbigay ng mabubuting bagay sa aking mga anak, “gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!” (Mateo 7:11).
By all means, labanan mo ang lahat ng unbelief gamit ang lahat ng pangakong mayroon sa Salita ng Diyos. Pero nakakatulong na magkaroon ng isang sentral at default na sandata. At para sa akin, ito ay Isaias 41:10, “Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.” Isang katangi-tanging pangako!