Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin. (Galacia 2:20, ASND)
Tugmang-tugma ang pananampalataya sa future grace ng Diyos. Naaayon ito sa kalayaan at kasarinlan ng biyaya. At itinuturo nito ang maluwalhating katapatan ng Diyos.
Isa sa mahahalagang implikasyon ng konklusyong ito ay ito: Magkaiba ang pananampalatayang nagbibigay-katwiran (justification) at ang pananampalatayang nagpapabanal (sanctification). Ang ibig sabihin ng “sanctify” ay magpakabanal o maging katulad ni Cristo. Ito’y sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.
Kung gayon, ito’y sa pamamagitan din ng pananampalataya. Dahil ang pananampalataya ay isang pagkilos ng kaluluwa na konektado sa biyaya, at tinatanggap ito, at ginagamit na kapangyarihan ng pagsunod, at binabantayan na hindi mawala ang biyaya dahil sa pagmamayabang ng tao.
Malinaw na iniugnay ni Pablo ang pananampalataya at sanctification sa Galacia 2:20 (“Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya”). Ang sanctification ay sa pamamagitan ng Espiritu at ng pananampalataya. Isa itong paraan ng pagsasabi na ito’y sa pamamagitan ng biyaya at pananampalataya. Ang Espiritu ay “mapagpalang Espiritu” (Hebreo 10:29). Ang paraan ng Diyos upang tayong maging banal ay sa pamamagitan ng Espiritu, ngunit ang Espiritu ay kumikilos sa pamamagitan ng pananampalataya sa ebanghelyo.
Simple lang ang dahilan kung bakit ang pananampalatayang nagbibigay-katwiran at pananampalatayang nagpapabanal ay pareho lang: Pareho silang gawain na tumutugon sa biyaya. Ang justification at sanctification ay hindi parehong uri ng gawain (ang justification ay pagbibitiw ng kabanalan; ang sanctification ay pagbabahagi ng kabanalan), ngunit pareho silang gawain ng biyaya. Ang sanctification at justification ay “biyaya na sinundan pa ng ibang biyaya” (Juan 1:16, ABTAG2001).
Ang natural na tugon ng tao sa walang-bayad na biyaya ng Diyos ay pananampalataya. Kung ang justification at sanctification ay parehong gawain ng biyaya, natural lang na pareho silang sa pamamagitan ng pananampalataya.