Listen

Description

“Sapagkat hindi itatakuwil ng Panginoon ang kanyang bayan alang-alang sa kanyang dakilang pangalan, sapagkat kinalugdan ng Panginoon na gawin kayong bayan para sa kanya.” (1 Samuel 12:22, ABTAG)

Madalas, ang pangalan ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang reputasyon, karangalan, at kabantugan. Ganito natin ginagamit ang salitang “pangalan” kapag sinasabi nating gumagawa siya ng pangalan para sa kanyang sarili. O minsan ay sinasabi natin, pangalan ng brand iyan. Ibig sabihin, isang brand na maganda ang reputasyon. Sa tingin ko, ito ang ibig sabihin ni Samuel sa 1 Samuel 12:22, nang sinabi niyang pinili ng Diyos ang Israel “para sa kanya” at hindi Niya sila pababayaan “alang-alang sa kanyang dakilang pangalan.”

Ang ganitong kaisipan tungkol sa adhikain ng Diyos para sa Kanyang pangalan ay napatunayan sa iba pang mga talata.

Halimbawa, sa Jeremiah 13:11, inilarawan ng Diyos ang Israel bilang damit-panloob, o belt, na pinili Niya upang i-highlight ang Kanyang kaluwalhatian, kahit may mga pagkakataong hindi karapat-dapat ang Israel. “Kung paanong kumakapit sa katawan ng tao ang damit-panloob, gayon ang nais ko sa mga taga-Israel at taga-Juda—na sila’y kumapit sa akin nang mahigpit. Ginawa ko ito upang sila’y maging karapat-dapat na bansang hinirang, at sa gayo’y papurihan nila at parangalan ang aking pangalan. Ngunit ayaw naman nilang sumunod sa akin.” Bakit pinili ang Israel at ginawang damit ng Diyos? Upang ito’y maging “pangalan, papuri, at kaluwalhatian.”

Sa kontekstong ito, ang mga salitang “papuri” at “kaluwalhatian” ay nagpapakita na ang kahulugan ng “pangalan” ay “karangalan” o “kabantugan” o “reputasyon.” Pinili ng Diyos ang Israel upang bigyan nila ng reputasyon ang Diyos. Sabi Niya sa Isaiah 43:21, ang Israel ay “nilalang ko . . . upang maging aking bayan, upang ako’y kanilang laging papurihan!”

At kapag nakita ng church ang sarili sa Bagong Tipan bilang tunay na Israel, inilarawan ni Pedro ang layunin ng Diyos para sa atin tulad nito: “Ngunit kayo ay isang lahing pinili . . . pinili upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.” (1 Peter 2:9)

Sa madaling salita, ang Israel at ang iglesia ay pinili ng Diyos upang gumawa ng pangalan para sa Kanya sa daigdig. Kaya naman ganito ang ating una at pangunahing panalangin, “Sambahin nawa ang iyong pangalan” (Matthew 6:9). Kaya ganito tayo manalangin, “Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan”, for your name’s sake. (Psalm 23:3).

Kapag sinabi nating tayo’y mga taong nakasentro sa Diyos, tandaan na ito’y dahil sumasama tayo sa pagiging God-centered Niya. Sa dakong ito ng krus, ibig sabihin ay dumedepende at dinadakila natin si Cristo. “Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan” (1 Juan 2:12). “At anuman ang inyong gagawin o sasabihin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya’y magpasalamat kayo sa Diyos Ama” (Colossians 3:17).