Listen

Description

Kung ang nagtayo ng bahay ay mas marangal kaysa sa bahay, gayundin naman, lalong marangal si Jesus kaysa kay Moises. Bawat bahay ay may tagapagtayo, ngunit ang Diyos lamang ang nagtayo ng lahat ng bagay.Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos, upang magpatotoo sa mga bagay na ihahayag sa mga darating na panahon.Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos. At tayo ang kanyang sambahayan, kung matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya. (Hebreo 3:3-6)

Ang mga taong nagmamalaki at umaasa kay Jesu-Cristo ay ang sambahayan ng Diyos. Ibig sabihin, si Jesus mismo, sa araw na ito — hindi lang sa panahon ni Moses o sa sarili Niyang mga araw sa daigdig — kundi sa mismong araw na ito, ay ating Tagapaglikha, ating May-ari, ating Pinuno, at ating Tagapagbigay.

Si Jesus ay tinatawag na “Tagapagtayo” ng bahay na ito. Hindi si Moses ang tagapagtayo. Bahagi siya ng bahay. Kaya sinasabi, “Kung ang nagtayo ng bahay ay mas marangal kaysa sa bahay, gayundin naman, lalong marangal si Jesus kaysa kay Moises.” Kaya si Moses, gaano man siya kadakila sa pamumuno ng bahay, at nagbabahagi ng Salita ng Diyos sa bahay, ay bahagi pa rin ng bahay. Ngunit itinayo ni Jesus ang sambahayan.

Kaya kung nagmamalaki tayo kay Jesus at umaasa kay Jesus, tayo ang sambahayan, at si Jesus ang ating Tagapagtayo, at May-ari at Pinuno at Tagapagbigay. Hindi Niya hinahayaang masira o gumuho ang Kanyang bahay.

Pagkatapos ay binago ng manunulat ang matalinghagang panaginip — mula sa tagapagtayo at bahay, patungo sa anak at lingkod. “Si Moises ay naging tapat bilang isang lingkod sa buong sambahayan ng Diyos . . . . Subalit si Cristo ay tapat bilang Anak na namumuno sa sambahayan ng Diyos.” Kaya naging bahagi nga ng bahay si Cristo — bahagi ng sambahayan — na Kanyang itinayo. Ganun pa man, higit ang Kanyang karangalan kay Moses. Si Moses ay isang lingkod. Si Cristo ang Anak. Ang tagapagmana.

At tayo ay bahagi ng sambahayang ito. Sa Mga Hebreo 3:6: “At tayo ang kanyang sambahayan, kung matibay ang ating pag-asa at hindi natin ito ikinahihiya.” Syempre, igalang at ibigay natin kay Moses ang nararapat sa kanya. Pero ang punto ng buong aklat ng Hebreo ay ito: Mas dakila si Cristo. Higit na dakila sa lahat ng bagay. Siya ang Tagapagtayo ng sambahayan ng mga anak ng Diyos. At siya ang Anak sa sambahayan ng mga anak ng Diyos. Igalang natin si Moses. Pero sambahin natin si Jesus — ang ating Tagalikha, ang ating kapatid.

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/we-are-his-house

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.