Listen

Description

“Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita,ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan.” (Mark 10:29-30)

Ibig sabihin ni Jesus dito, Siya mismo ang papalit sa bawat sakripisyo.

Para sa mga nagnanais maging misyonero, sinasabi ni Jesus, “Nangangako Akong kikilos para sa iyo, at magiging para sa iyo, kaya’t hindi ka makapagsasalita tungkol sa anumang pagsasakripisyo.”

Ano ang saloobin ni Jesus sa “pagsasakripisyo” ni Peter? Sabi ni Peter, “Iniwan na namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo” (Mark 10:28). Ito ba ang diwa ng “pagtatatwa sa sarili” na pinuri ni Jesus? Hindi, pinagsabihan ito.

Sinabi ni Jesus kay Peter, “Walang sinumang nagsasakripisyo para sa Akin ang hindi Ko binabayaran nang isandaang ulit — oo, sa isang banda’y maging sa buhay na ito, hindi pa kasama ang buhay na walang hanggan sa darating na panahon.”