Listen

Description

Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan. (1 Juan 1:9, MBBTAG)

Ang malabo’t pangit na pakiramdam na ikaw ay isang masamang tao ay hindi kapareho ng kombiksyon sa kasalanan. Hindi magkatulad ang guilty feeling at pagsisisi.

Ngayong umaga, nagsimula akong manalangin, at naramdaman kong hindi ako karapat-dapat makipag-usap sa Creator ng universe. Isa itong malabong pakiramdam ng unworthiness. Kaya sinabi ko ito sa Kanya. Ano’ng nangyari?

Walang nagbago hangga’t hindi ako naging partikular sa mga kasalanan ko. Ang pangit na pakiramdam ay puwedeng maging kapaki-pakinabang kung hahantong ito sa kumbiksyon para sa partikular na mga kasalanan. Ngunit ang di-malinaw na pakiramdam ng pagiging masamang tao ay hindi karaniwang nakakatulong.

Kailangang hubugin ang hamog ng unworthiness sa malinaw at madilim na mga haligi ng pagsuway. Pagkatapos ay puwede mong ituro ang mga ito at magsisi at humingi ng tawad at itutok ang bazooka ng iyong ebanghelyo upang pasabugin sila.

Kaya sinimulan kong alalahanin ang mga utos na madalas kong suwayin. Ito ang mga pumasok sa aking isipan.

Anong pagkukunwari sa kabanalan! Sirang-sira ako.

Mas masahol pa ito kaysa sa malabo’t pangit na pakiramdam. Ah, ngunit nakikita na ngayon ang kaaway. Specific na ang mga kasalanan. Lumabas na sila mula sa kanilang pinagtataguan. Tinititigan ko na sila. Hindi ako nagrereklamo sa pangit kong pakiramdam. Humihingi ako ng tawad kay Cristo sa hindi paggawa ng specific na mga bagay na iniutos Niya.

Wasak ako, at galit ako sa aking kasalanan. Gusto kong patayin ito, hindi ang sarili ko. Hindi ako suicidal. Isa akong sin-hater at sin-murderer. (“Patayin na ninyo ang mga pagnanasang makamundo,” Colosas 3:5; “Patayin ang mga gawa ng katawang makalaman,” Roma 8:13.) Gusto kong mabuhay. Kaya nga isa akong mamamaslang — ng aking kasalanan!

Sa labanang ito, naririnig ko ang pangako, “Subalit kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid” (1 Juan 1:9). Nangingibabaw ang kapayapaan.

Ngayon, ang panalangin ay posible at tama at makapangyarihan nang muli.