Listen

Description

“Kapag iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw; at iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan, at marangal ang banal na araw ng Panginoon,at ito’y iyong pinarangalan, na hindi ka lalakad sa iyong mga sariling lakad, ni hahanap ng iyong sariling kalayawan ni magsasalita ng iyong mga salita;kung magkagayo’y malulugod ka sa Panginoon, at pasasakayin kita sa  mga matataas na dako sa lupa.” (Isaias 58:13–14 ABTAG 2001)

Posibleng sundin ang Diyos nang hindi niluluwalhati ang Diyos. Kung nais nating parangalan ang Diyos, dapat natin Siyang sundin para sa kagalakan ng fellowship sa Kanya.

Isipin ang Araw ng Sabbath bilang paglalarawan nito. Nire-rebuke ng Panginoon ang Kanyang mga anak dahil sa kanilang paghahanap ng sariling kasiyahan sa Kanyang banal na araw. “Iyong iurong ang iyong paa dahil sa Sabbath, sa paggawa ng iyong kalayawan sa aking banal na araw.” Pero ano ang ibig Niyang sabihin? Ibig ba Niyang sabihin ay hindi natin dapat hangarin ang ating kagalakan sa Araw ng Panginoon? Hindi, dahil ang sunod Niyang sinabi ay, “Iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan.” At sa talata 14, “malulugod ka sa Panginoon.” Kaya ang kini-criticize Niya ay ang mga natutuwa sa sarili nilang negosyo sa araw ng Sabbath sa halip na magalak sa kagandahan ng kanilang Diyos at ng kapahingahan at kabanalan na sinisimbolo ng araw na ito.

Hindi Niya nire-rebuke ang kanilang hedonismo. Nire-rebuke Niya ang kahinaan  nito. Tulad ng sabi ni C. S. Lewis, “Napakadali nating masiyahan.” Nakuntento sila sa sekular na interes at sa gayon ay pinarangalan ito nang higit sa Panginoon.

Pansinin na ang pagtawag sa Sabbath na “isang kasiyahan” ay katulad ng pagtawag na “marangal” sa banal na araw ng Panginoon. “At iyong tinawag ang Sabbath bilang isang kasiyahan, at marangal ang banal na araw ng Panginoon . . .” Ibig sabihin, pinararangalan mo ang kinasisiyahan mo. O niluluwalhati mo ang tinatamasa mo.

Iisa ang kasiyahan sa Diyos at ang pagluwalhati sa Diyos. Ang Kanyang eternal na layunin at ang ating eternal na kasiyahan ay nagkakaisa sa nararanasan natin sa pagsamba. Ito ang layunin ng Lord’s Day. Tunay ngang ito ang dahilan ng lahat ng buhay.