Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay. (Mga Awit 27:4)
Hindi puwedeng walang tugon ang Diyos sa nagsisising pananabik ng kaluluwa. Dumarating Siya at binubuhat ang pasanin ng kasalanan at pinupuspos ng kagalakan at pasasalamat ang ating puso. “Pinawi mo itong aking kalungkutan, pinalitan mo ng sayaw ng kagalakan! Pagluluksa ko ay iyong inalis, kaligayahan ang iyong ipinalit. Aawit sa iyo ng papuri at hindi ako tatahimik, O Yahweh, aking Diyos, pasasalamat ko’y walang patid” (Mga Awit 30:11–12).
Pero hindi lang mula sa pagsulyap pabalik sa pasasalamat nagmumula ang ating kagalakan. Gumigising din ito mula sa pasulong na sulyap sa pag-asa: “Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan” (Mga Awit 42:5–6).
“Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong” (Mga Awit 130:5).
Sa huli, hindi inaasam ng puso ang anuman sa mabubuting kaloob ng Diyos, kundi ang Diyos mismo. Ang makita Siya at makilala Siya at makapiling ang Kanyang presensya ang huling piging ng kaluluwa. Higit pa rito’y wala nang hahanapin pa. Hindi ito kayang ilagay sa mga salita. Tinatawag natin itong kasiyahan, kagalakan, kaluguran. Ngunit ang mga ito’y mahinang tumuturo sa di-masambit na karanasan:
“Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh’y aking mapagmasdan, at doo’y humingi sa kanya ng patnubay” (Mga Awit 27:4).
“Sa piling mo’'y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo’'y nagdudulot ng ligayang walang hanggan” (Mga Awit 16:11).
“Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan” (Mga Awit 37:4).