Listen

Description

“Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan.” (Exodo 33:19)

Kailangan ni Moses ng pag-asang talagang magkakaroon ng awa ang Diyos sa mga matitigas ang ulo na kakatapos lang sumamba sa mga diyos-diyosan at nilait ang Diyos na nagdala sa kanila palabas ng Ehipto.

Para maibigay kay Moses ang pag-asa at kompiyansang kailangan niya, sinabi ng Diyos, “Mahahabag Ako sa nais Kong kahabagan.” Sa madaling salita, “Hindi nakadepende ang Aking pagpili sa antas ng kasamaan o kabutihan ng tao kundi sa Aking malaya at soberanong kalooban. Sa gayon, walang makakapagsabi na masyado siyang masama para pakitaan ng biyaya.” Ipapahiwatig nito na hindi malaya ang Diyos, at ang pagpili ay hindi unconditional.

Ang doktrina ng unconditional election, o walang kondisyong pagpili, ay ang dakilang doktrina ng pag-asa para sa mga pinakamasamang makasalanan. Ibig sabihin nito’y pagdating sa pagpili ng tao para sa biyaya, walang kinalaman ang iyong pinagmulan sa pasya ng Diyos. Magandang balita iyan.

Kung hindi ka pa naipapanganak muli at dinala sa saving faith kay Jesu-Cristo, huwag malunod sa kawalang-pag-asa na ang labis na kabulukan o katigasan ng iyong buhay noon ay napakalaking balakid sa gawain ng Diyos sa iyong buhay. Gustong-gusto ng Diyos na palakihin ang kalayaan ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng pagliligtas sa pinakamasama sa mga makasalanan.

Talikuran ang iyong kasalanan; tumawag sa Panginoon. Kahit sa daily devotion na ito na iyong binabasa o pinakikinggan, Siya’y mapagbiyaya sa ’yo, at binibigyan ka ng matinding panghihikayat na lumapit sa Kanya para sa awa.

“‘Halikayo at tayo’y magpaliwanagan,’ sabi ni Yahweh. Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo’y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak” (Isaiah 1:18).