“Kayo ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan.” (Deuteronomio 7:6)
Ano’ng magiging tunog ng mga doktrina ng biyaya — ang lumang terminong Puritan para sa Calvinistic na turo ng soberanong biyaya ng Diyos sa ating kaligtasan (TULIP) — ano ang magiging tunog ng mga doktrina ng biyayang ’yon kung ang bawat sanga ng punong ’yon ay dinadaluyan ng dagta ng Augustinian na kagalakan (ibig sabihin, “Cristianong Hedonismo”)?
Sa limang iyon, ang unconditional election ang naghahatid ng pinakamatindi at pinakamatamis na paghatol sa aking kaluluwa. Dahil ito’y unconditional, winawasak nito ang lahat ng pagtataas sa sarili (’yan ang malupit na parte); at dahil ito’y biyaya, ibig sabihin ay iniingatang pag-aari Niya ako (’yan ang matamis na parte).
Isa ito sa mga kagandahan ng mga biblikal na doktrina ng biyaya sa Biblia: inihahanda tayo ng kanilang pinakamatinding pagkawasak para sa kanilang pinakamatinding kagalakan.
Anong pagmamataas ang kahihinatnan natin sa mga salitang, “Kayo ay bansang itinalaga kay Yahweh. Hinirang niya kayo sa lahat ng bansa upang maging kanyang sariling bayan” (Deuteronomio 7:6), kung ang election na ito ay nakadepende sa atin sa anumang paraan. Pero para protektahan tayo mula sa pagmamalaki, itinuturo sa atin ng Panginoon na tayo’y pinili nang walang kundisyon (Deuteronomio 7:7–9). “He made a wretch His treasure (Ginawa Niyang kayamanan ang isang walang palad),” malugod nga nating inaawit.
Tanging ang nakakawasak na kawalan ng bayad at kondisyon ng electing grace (o biyaya ng pagpili) — na sinundan ng lahat ng iba pang gawain ng saving grace (o biyayang nagliligtas) — ang nagpapahintulot sa ating kumuha at tumikim ng gayong mga regalo para sa ating sarili nang walang pagdadakila sa sarili natin.
Devotional excerpted from “Why We Love the Doctrines of Grace”
This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/devastated-and-delighted