Listen

Description

Mga Kaaway at Pananampalatayana Binigay ng Diyos

Pagsikapan ninyong mamuhay nang nararapat ayon sa Magandang Balita ni Cristo . . . Huwag kayong matakot sa inyong mga kaaway . . . Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo. (Filipos 1:27-29, MBBTAG)

Sinabi ni Pablo sa mga taga-Filipos na ang pamumuhay nang nararapat ayon sa ebanghelyo ni Cristo ay nangangahulugan ng kawalan ng takot sa harap ng mga kaaway. Pagkatapos ay ibinigay niya ang lohika ng kawalan ng takot na ito.

Ito ang lohika nito: Binigyan ka ng Diyos ng dalawang regalo, hindi lang isa — ang pananampalataya at pagtitiis. Iyan ang sinasabi sa talata 29: “Dahil ipinagkaloob niya sa inyo, hindi lamang ang manalig sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang kay Cristo.” Ipinagkaloob sa iyo na manampalataya, at ipinagkaloob sa iyo na magtiis.

Ito ang ibig sabihin sa kontekstong ito: Ang iyong pananampalataya sa harap ng pagtitiis, at ang iyong pagtitiis, ay parehong kaloob ng Diyos. Nang sinabi ni Pablo na huwag silang matakot sa kanilang mga kaaway, may dalawang dahilan sa kanyang isipan kung bakit hindi nila kailangang matakot:

  1. Ang isang dahilan ay ang kaaway nila’y nasa kamay ng Diyos. Ang kanilang pagsalungat ay kaloob ng Diyos. Pinamamahalaan Niya ito. Yan ang unang punto ng talata 29.

  1. At ang isa pang dahilan para di matakot ay dahil ang kanilang kawalan ng takot, ibig sabihin, ang kanilang pananampalataya, ay nasa kamay din ng Diyos. Isa rin itong kaloob. Yan ang isa pang punto ng talata 29.

Kaya ang lohika ng kawalan ng takot sa harap ng paghihirap ay ang dobleng katotohanang ito: Ang iyong paghihirap at ang iyong pananampalataya sa harap ng paghihirap ay parehong regalo ng Diyos.

Bakit tinatawag itong pamumuhay na “nararapat ayon Magandang Balita ni Cristo”? Dahil ang ebanghelyo ang magandang balita na ang dugo ng covenant ni Cristo ay walang kamali-maling nakamit, para sa lahat ng Kanyang mga anak, ang dakilang gawain ng Diyos na bigyan tayo ng pananampalataya’t pamamahala sa ating mga kaaway — laging para sa ating walang-hanggang kabutihan. Yan ang tiniyak ng ebanghelyo. Kaya naman ang mamuhay sa ganoong paraan ay nagpapakita ng kapangyarihan at kabutihan ng ebanghelyo.

Samakatuwid, huwag kang matakot. Hindi maaaring gumawa ang iyong mga kalaban ng higit pa sa ipinagkaloob ng Diyos. At ipagkakaloob Niya ang lahat ng pananampalatayang kailangan mo. Ang mga pangakong ito ay binili ng dugo at tinatakan ng selyo ng Diyos. Ang mga ito ay mga pangako ng ebanghelyo.

Devotional excerpted from “The Logic of Fearlessness”

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/god-given-foes-and-god-given-faith

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and tea. You can find her on IG (@joshenebersales) and Facebook (https://www.facebook.com/joshenebersales/).

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.