Listen

Description

Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? (Roma 8:32)

Tinatanggal ng Diyos ang destructive power ng bawat sakit. Kailangan mo itong paniwalaan o hindi ka lalago, o mabubuhay, bilang Cristiano, sa gitna ng mga pagsubok at tukso ng modernong buhay.

Napakaraming sakit, kabiguan at discouragement, napakaraming alitan at pagsubok. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo, kung hindi ako naniniwala na kinukuha ng makapangyarihang Diyos ang bawat kabiguan at bawat discouragement at bawat alitan at bawat pagsubok at bawat sakit, at tinatanggalan ito ng destructive power, at ginagamit ito sa pagpapalaki ng aking kagalakan sa Diyos.

Pakinggan ang nakamamanghang mga salita ni Paul sa 1 Corinto 3:21–23, “Kaya’t huwag ipagmalaki ninuman na siya’y tagasunod ng sinuman, sapagkat ang lahat ay para sa inyo: si Pablo, si Apolos, at si Pedro, ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap; lahat ng ito’y para sa inyo. At kayo’y para kay Cristo, at si Cristo nama’y para sa Diyos.” Para sa ating ang sanlibutan. Para sa ating ang buhay. Para sa atin ang kamatayan. Ibig sabihin: Naghahari ang Diyos sa lahat, sa ngalan ng Kanyang mga pinili. Ang lahat ng haharang sa ating habang-buhay na pagsunod at ministeryo ay malulupig ng makapangyarihang kamay ng Diyos at magiging lingkod ng ating kabanalan at walang-hanggang kagalakan sa Diyos.

Kung para sa atin ang Diyos, at kung ang Diyos ay Diyos, totoong walang magtatagumpay laban sa atin. Siyang hindi ipinagkait ang Kanyang sariling Anak kundi ibinigay Siya para sa ating lahat, ay walang pagkakamali at malayang ibibigay sa atin ang lahat ng bagay — lahat ng bagay — sa sanlibutan, buhay, kamatayan, at sa Kanya mismo.

Napakahalagang kaibigan ang Roma 8:32. Napaka-overwhelming ng pangako ng future grace ng Diyos. Ngunit pinakamahalaga ang pundasyon nito: Tinatawag ko itong logic of heaven. Heto ang ating tatayuan laban sa lahat ng balakid. Hindi ipinagkait ng Diyos ang Kanyang sariling Anak! Ito ang logic ng langit! Kung gayon, gaano pa kaya Niya hindi pagkakaitan tayong binayaran ni Cristo ng Kanyang kamatayan — lahat ng bagay, lahat ng mabuti, at lahat ng masama ay kumikilos para sa ating ikabubuti!

Ito’y tulad ng katiyakan ng pag-ibig Niya sa Kanyang Anak!