Nais mo bang makarinig ng mga kuwentong kababalaghan? Samahan niyo kaming tuklasin ang mga paaralan na puno ng kuwentong katatakutan. Lumang sementeryo, nuno sa punso, multo at mga engkanto. Iba't ibang karanasan na tiyak magpapanindig ng inyong balahibo. Mga karanasang gigimbal sa inyong diwa at magpapatakbo sa inyo sa takot. Halina't makinig at samahan ang magkakabarkada sa kanilang nakakatakot na kuwento at karanasan sa iba't ibang paaralan.