‘Eto na, finally, nasunod na rin ang nasa isip kong outline nitong HuMonns of My Life series. At meron na ring kaunting pagsilip sa kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa araw-araw nating buhay sa gitna ng pandemyang ito: meeting new friends, making chika, and participating in open mics - all via the Interwebz!
‘Yung ‘fast talk’ segment (na iniisipan ko pa ng original name, suggestions are welcome), masyado yatang napahaba. Paano kasi sobrang ganda talaga ng boses ni Reng so… well, oh well. Nakikikinig ka na lang din naman sa chikahan namin, e di maki-sing along ka na rin. Cheka.