Mayroong lalim sa pagkakaroon ng kakayahang makaimpluwensya.
Sa episode na ito ay pag-uusapan nina Rj, Mama K, at Matt ang mga kilalang social media personalities sa kasalukuyang panahon. Aalamin din nila at susubukang bigyang linaw ang kaibahan ng pagiging isang ‘Content creator’ at ng isang ‘Influencer’. Sa huling bahagi nito ay mayroon silang panawagan hindi lamang para sa mga may kakayahang makaimpluwensya, kundi maging sa mga naiimpluwensyahan nila.